• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Cathy Garcia-Molina, labis ang kasiyahan sa tagumpay ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Direk Cathy Garcia-Molina, labis ang kasiyahan sa tagumpay ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Umabot na sa higit 500 million ang kinita ng ‘Hello, Love, Goodbye’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/15/2019 5:40 PM
Direk Cathy Garcia-Molina, labis ang kasiyahan sa tagumpay ng ‘Hello, Love, Goodbye’


Photo credit: @micodelrosario1 @starcinema IG

Aminado ang direktor na si Cathy Garcia-Molina na hindi niya alam kung paano siya magpapasalamat sa labis na kasiyahan dahil sa tagumpay ng Hello, Love, Goodbye.

Ang unang pelikulang pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay kumita na sa takilya nang higit sa kalahating bilyon.

 

 

Nitong Huwebes, sa isang video na ibinahagi sa Instagram, kita ang labis na kasiyahan ng direktor sa tagumpay ng pelikula.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

DIREKKKKK!!! SALAMAT PO!!! #HelloLoveGoodbye

A post shared by Mico Del Rosario (@micodelrosario1) on

 

“Hindi ko po alam kung paano magte-thank you sa inyong lahat. Beyond overwhelming po kasi ang pagtanggap niyo sa pelikula, sa bagong tandem, sa bagong love team, sa bagong story. Marami pong bago sa pelikulang ito at kasama po roon ‘yung nanibago kami,” ani direk Cathy.

“My God! I'm so happy. We are very, very happy. And, thank you, thank you very much to all those that have watched and will watch again. At doon sa mga hindi pa nanood ay nood na po kayo at mami-miss niyo 'yung story ni Joy and Ethen,” dagdag ng direktor.