• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto, may say ba sa love life ng anak na si Vico Sotto?

Vic Sotto, may say ba sa love life ng anak na si Vico Sotto?

Until now, hindi pa rin daw makapaniwala ang actor na si Vic Sotto na mayroon na siyang isang anak na mayor.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/14/2019 12:12 PM
Vic Sotto, may say ba sa love life ng anak na si Vico Sotto?


Photo credit: @vicosotto IG

Hindi pa din makapaniwala ang veteran comedian na si Vic Sotto sa naging tagumpay sa nakaaraang eleksiyon ng kanyang anak na si Vico Sotto. Mayor na ito ngayon ng Lungsod ng Pasig. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Oath-taking and inauguration day. Ang araw na ito ay simula ng bagong kabanata sa kasaysayan ng ating Lungsod. Matayog ang ating mga hangarin para sa mabuti at malinis na paggogobyerno. Narinig ko na ang mga babala tungkol sa pagtatakda ng mataas na ekspektasyon na siyang makakahon ng limitasyon ng termino at samu’t saring pagtutol mula sa mga tatamaan ng pagbabagong gusto nating ipatupad. Ngunit hindi bulag ang ating prinsipyo. Ang isinusulong natin ay idealismong nababatay sa reyalidad. Magiging mahirap ang trabaho, pero basta't kasama ko ang libo-libong Pasigueño na sumigaw para sa pagbabago, makakamit natin ang pangarap na ito para sa mahal nating Lungsod Pasig.

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto) on

Sa panayam entertainment press kay Vic sa naganap na story conference ng kanyang 2019 MMFF movie entry na Mission Unstapabol: The Don Identity, malaki ang tiwala niya kay Vico at mga proyekto sa unang bahagi ng termino nito.

“Alam ko naman na he will be doing good and I'm confident na he will do better in the future, kasi he’s come prepared. Noong kumandidato siya, alam ko he was prepared for the job, and sa nakikita natin ngayon, he’s doing a good job,” sabi pa ni Vic.

Dahil sa positibong feedback kay Vico, nakarating din daw kay Vic ang mga komentong bagay daw ang kanyang anak na tumakbo bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.

 

“He’s still young, wala pa, that will be about 15 years from now. Marami pa siyang gustong gawin,” reaksyon ni Bossing.

Sa aspeto naman ng buhay pag-ibig ni Vico, hindi na din daw nakikialaam si Bossing sa personal na buhay ng kanyang anak.

“Ay wala,” mabilis na sagot ni Vic.

Matatandaan na sa naging panayam noon ni Vico tungkol dito, sinabi niya na mas nais niyang magpahinga kesa atupagin ang kanyang buhay pag-ibig.

“Ay totoo naman, kahit ako ang nasa lugar nu’n, mas masarap matulog,” pabirong dagdag ng aktor.

At bilang tatay din, masaya din daw si Vic sa dumaraming taga hanga ng kanyang anak.

“Ako'y natutuwa pag nakakabalita ako ng ganyan, siyempre anak ko ‘yun no. Hanggang ngayon nga hindi ako makapaniwala na may anak akong mayor, na magaling. So I’m happy for him and very proud.”