• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Kris Aquino at Gabby Concepcion, nagbigay ng detalye tungkol sa kanilang pelikula

PANOORIN: Kris Aquino at Gabby Concepcion, nagbigay ng detalye tungkol sa kanilang pelikula

Sa vlog entry na kanyang ibinahagi nitong Martes, nagbigay si Kris Aquino at Gabby Concepcion ng ilang detalye tungkol sa naturang proyekto, kung saan gaganap sila bilang mag-asawa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/14/2019 5:45 PM
PANOORIN: Kris Aquino at Gabby Concepcion, nagbigay ng detalye tungkol sa kanilang pelikula


Photo credit: @ concepciongabby on Instagram

Sinorpresa ni Kris Aquino ang bagong love team partner na si Gabby Concepcion sa unang shooting day nito para sa kanilang pagsasamahang horror film na “(K)ampon”.

Sa vlog entry na kanyang ibinahagi nitong Martes, nagbigay ang dalawa ng ilang detalye tungkol sa naturang proyekto, kung saan gaganap sila bilang mag-asawa.

 

 

“The whole premise of this movie is nagkamali ka,” ani Kris kay Gabby, na bibida bilang si Clark. “May nabuo. Nag-suffer ako.”

“Well, may nangyari kasi prior to us. So hindi ko naman alam na may nabuo,” paliwanag naman ni Gabby kay Kris. “That was before us. So nung nagkita na tayo, hindi ko naman alam na may nabuo pala.”

Ayon kay Gabby, “interesting” ang magiging kwento ng “(K)ampon”. Sang-ayon naman dito si Kris na siyang nagpaliwanag: “Without revealing too much, I’d like to make it clear that what attracted me to this is that sometimes, in marriage, you also develop a friendship. Kasi sometimes, ang dalas nating kasi na, ‘We’re together because of the kids.’ Kawawa naman ‘yung mga bata. But sometimes, you do stay together because best friends na kayo. And I think ‘yun ang naging relationship ni Clark at ni Grace.”

Dagdag pa niya, “’Yun din ang mata-tackle natin dito, na there are many forms of love and there are many types of marriages. At ‘yun ang mapapanood ninyo dito. But along the way kaya nga siya tinawag na "(K)ampon" at kaya naging horror ito, malalaman ninyo kung ano iyong pinagdaanan at pinagbayaran nilang dalawa ng dahil sa isang gabing pagkakamali. So warning na iyan sa inyong mga lalaki.”

Matatandaang si Derek Ramsay ang dapat gaganap bilang leading man ni Kris sa pelikula, ngunit napilitan itong mag-back out sa proyekto dahil nagkaroon ng conflict sa kanyang schedule.

Nakatakdang ipalabas ang “(K)ampon” bilang entry ng Quantum Films at Spring Films sa darating na 2019 Metro Manila Film Festival.