Maris Racal, may panghihinayang ba sa tambalang MarNigo?

‘Marnigos are the best, gusto rin nilang mag-grow kami [ni Inigo],’ pahayag ni Maris Racal sa mga patuloy na tagahanga ng tambalan nila ni Inigo Pascual.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/14/2019 12:35 PM
Maris Racal, may panghihinayang ba sa tambalang MarNigo?


Photo credit: @mariesteller IG

Nilinaw ni Maris Racal na ang pagbibidahan niyang pelikula na I'm Ellenya L ay hindi romantic comedy na tambalan nila ni Inigo Pascual. Sa naganap na bloggers’ conference nitong Martes, August 13, sinabi ni Maris na nagpapasalamat pa rin siya mga patuloy na sumusuporta sa kanilang dalawa ni Inigo. 

"Very thankful ako kasi andiyan pa rin sila na nagstay sila kahit alam nilang hindi nagkatuluyan na kami. There's still there to support us with the movie. So ang saya saya na nandiyan sila," mensahe ni Maris sa MarNigo fans. 

"Marnigos are the best, gusto rin nilang mag-grow kami [ni Inigo]," dagdag niya. 

Idiniin ni Maris na wala siyang panghihinayang sa naging direksyon ng relasyon nila ni Inigo, sa katunayan nananatili silang magkaibigan at plano pa ring gumawa ng mga proyekto sa susunod.

"To be honest, wala naman akong pinanghihinayangan talaga, we did all our best. If hindi naman talaga para sa'yo, wag na lang pilitin, you know accept things and move on, and learn from it. 

"Wala naman kasi we remained friends e. Hindi kami nag-burn bridges like okay pa rin kami pag nagmi-meet kami, and may work in the future - game pa rin namin gawin," paliwanag ng aktres. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ellenya and peng

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

 

WATCH: “Never naman naging kami”: Maris Racal puts an end to rumors about relationship with Inigo Pascual

READ: Maris Racal admits Inigo Pascual broke her heart

Samantala, bilang pinaka-una niyang pelikulang pagbibidahan, aminado ang dating Pinoy Big Brother housemate na may nararamdaman siyang pressure. "Iba kasi ang usapan kapag magre-release ng movie e. Kailangan talaga maraming manonood, parang ayaw mo naman [biguin] yung trust ng management, yung prod," ani Maris. 

Mapapanood simula September 13 ang I'm Ellenya L, kasapi sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019, sa direksyon ni Boy 2 Quizon, at produksyon ng Spring Films.