Ikinatuwa ng mga fans ni Jericho Rosales ang bago niyang Instagram post kung saan kanyang ipinasilip ang itsura ng loob ng kanyang customized van.
Isa si Jericho sa mga mahilig sa iba’t ibang outdoor activities kaya bukod sa kanyang mga naggagandahang motorcycles ay kapansin-pansin din ang ilang mga surfboard niya. Isa sa mga libangan ng aktor ang surfing kung kaya naman makikita sa van na kasya na rin ang mga surfboard nito sa loob.
Sa van rin na ito ay puwede nang magpahinga si Jericho dahil may kama na ring nakapaloob sa van.