Is Sunshine Cruz wearing an engagement ring?

Sunshine Cruz, engaged na nga ba sa boyfriend na si Macky Mathay?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/14/2019 1:16 PM
Is Sunshine Cruz wearing an engagement ring?


Photo credit: @sunshinecruz718 IG

Sa Tonight with Boy Abunda, nilinaw ni Sunshine Cruz kung ano ang mga singsing na suot niya sa ring finger ng left hand. Marami kasi ang naiintriga kung engagement rings na nga ba ang mga iyon. Paglilinaw ni Sunshine, hindi engagement rings ang mga suot niya. 

Inisa-isa pa ni Sunshine ang mga singsing na bigay ng boyfriend niyang si Macky Mathay. Ang una daw ay promise ring. “Promise ring… binigay niya nung first birthday namin na kami na. I was forty years old,” ani Sunshine.  

Ang pangalawang singsing naman daw ay eternity ring. “Eternity ring… given to me nung second anniversary namin,” sabi ni Sunshine. 

“Eto namang third ring, binigay niya akin last July 18, nung nag-42 ako. (It was) my birthday,” dagdag ng aktres. 

Nag-explain din si Sunshine kung bakit niya suot ang mga singsing sa ring finger ng left hand kung saan usually nilalagay ang engagement ring. “Gusto daw niya lahat daw kasi nandito. Kasi nakakonekta sa heart. ‘Wag daw ako magdadagdag ng iba, puro sa kanya lang daw. Siya lang daw dapat magbigay sa akin ng ring. Dito ko daw ilalagay lagi,” masayang kwento ni Sunshine. 

Napag-uusapan na kaya ni Sunshine at Macky ang pagpapakasal? Ito ang sagot ni Sunshine: “Nung February lang talaga naging malinis yung annulment ko. So I’m enjoying my time with my children, with work. And okay naman kami sa setup namin. We see each other every other weekends kasi very busy din siya with his work with Mayor Francis Zamora.” 

“Ang sa akin hangga’t maari hindi ko muna gustong i-touch yung topic na yun. Pero I know in God’s time naman kung talagang kami, kami talaga,” pagpapatuloy ni Sunshien tungkol sa issue ng pagpapakasal nila ng boyfriend.  

READ: EXCLUSIVE: Angelina Cruz approves of mom Sunshine Cruz’s boyfriend Macky Mathay: ‘It’s really obvious that he makes her happy’