• Home
  • Fresh Scoops
  • Ice Seguerra, ibinahagi ang diskriminasyong naranasan niya bilang transgender

Ice Seguerra, ibinahagi ang diskriminasyong naranasan niya bilang transgender

Naglabas ng kanyang statement si Ice Suguerra kaugnay ng pag-aresto sa transgenderwoman na si Gretchen Diez matapos itong pagbawalang gamitin ang women’s comfort room sa isang shopping mall sa Quezon City.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/14/2019 5:53 PM
Ice Seguerra, ibinahagi ang diskriminasyong naranasan niya bilang transgender


Photo credit: @iceseguerra on Instagram

Naglabas ng kanyang statement ang singer-actor na si Ice Suguerra kaugnay ng pag-aresto sa transgenderwoman na si Gretchen Custodio Diez matapos itong pagbawalang gamitin ang women’s comfort room ng isang sikat na shopping mall sa Quezon City nitong Martes.

Sa Instagram nitong Miyerkules, ibinahagi ni Ice ang sariling kwento ng diskriminasyon na nararanasan din niya bilang isang transgender man.

Aniya, “Honestly, this is one of my biggest fears whenever I'm out. Lalo na pag nasa Arabic countries ako. Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas. And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga Pinoy. Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagtatrabaho ako sa NYC, hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako mag-banyo.”

 

 

“This is a real concern,” dagdag pa niya. “Na hangga’t hindi mo pa nararanasan, isasawalang bahala mo lang. Concern na hindi ko kailanman inisip na pagdadaanan ko rin pala. Para sa iba mababaw, pero hindi eh. Hindi mababaw yung pagtitinginan ka ng mga tao lalo na yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari yun and what's worse is I don't feel safe. All of these feelings and more, AND NOW THIS... just because gusto lang namin magbanyo.”

Bukod kay Ice ay ilang celebrities din ang nagsalita na ukol sa isyu, kabilang na sina Vice Ganda, Jervi Li o mas kilala bilang si KaladKaren Davila, at Bianca Gonzalez, na nanindigan para sa karapatan ng LGBTQ community sa pamamagitan ng paghikayat na ipasa na ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.

Samantala, sinabi naman ni Diez na determinado siyang sampahan ng kaso ang nasabing mall dahil sa paglabag nito sa Quezon City ordinance na ipinagbabawal ang diskriminasyon base sa SOGIE.

Aniya, “Wala naman akong gustong makulong. Gusto ko lang po maging lesson po 'yun na minsan po kasi sa society natin kami 'yung naaapi, kami pa 'yung masama, kami pa 'yung tinatapakan.

"Gusto ko lang po patunayan na kaya rin po namin ipaglaban 'yung karapatan namin.”