• Home
  • Fresh Scoops
  • TNT Boys star in a docu-series called ‘Journey to the World Stage’

TNT Boys star in a docu-series called ‘Journey to the World Stage’

Ang docu-series na Journey to the World Stage ay magsisimula sa kwento ng TNT Boys sa Tawag ng Tanghalan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/13/2019 12:49 PM
TNT Boys star in a docu-series called ‘Journey to the World Stage’


Sa Tonight with Boy Abunda, nagpakatotoo ang TNT Boys na sina Kiefer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion at inamin ang ilang bagay tungkol sa kanila.

Inamin ni Francis na moody siya. May mga araw lang daw kasi talaga na tahimik siya. “Depende po sa mga araw, saka depende po sa mga pag gising niya po,” ayon kay Mackie tungkol sa pagiging moody ni Francis.

“Minsan po ‘pag gutom po siya,” dagdag naman ni Kiefer tungkol kay Francis.

Totoo rin daw na namimiss ni Kiefer ang Davao kung saan siya lumaki pero hindi daw niya iiwan ang TNT Boys. “Totoo po yung namimiss ko po yung Davao, yung bahay po namin. Pero hindi po totoo na mag-full time student po ako doon,” ani Kiefer.  Ayon kay Kiefer ay gusto pa niyang patuloy na magpasaya ng mga tao.

Totoo rin na nagkaroon ng solo project si Mackie pero hindi raw ibig sabihin ay magiging solo artist na siya at hihiwalay na siya sa TNT Boys. “Nagkataon lang po na hindi pa kami TNT boys no’n, nagkaroon lang po ako ng first movie ko po na hindi po sila kasama,” paliwanag ni Mackie.

At dahil nga solid pa rin ang samahan nina Francis, Mackie, at Kiefer, ginawan na rin ng docu-series ang journey nilang tatlo bilang TNT Boys. Ang title ng docu-series ay Journey to the World Stage” at ipapalabas ito sa August 14 sa iWant. Ayon sa tatlo, sinundan ng docu-series ang buhay nila simula nang matalo sila sa Tawag ng Tanghalan hanggang sa matagumpay na pag-perform nila sa iba’t ibang world stage.

READ: ‘The World’s Best’ judge tells TNT Boys: ‘I think we’re all witnessing superstars’