Paul Basinillo, nagpa ‘Indak’ sa unang pelikula

Two years in the making man ang pelikula, worth it para kay Paul Basinillo ang naging proyekto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/13/2019 12:19 PM
Paul Basinillo, nagpa ‘Indak’ sa unang pelikula


Photo credits to epikstudios page

Masayang masaya ang concert director na si Paul Basinillo sa positibong komento na kanyang tinatanggap ngayon para sa kanyang pelikula na Indak.

Ito ang unang pelikula ng concert director na isa na din ngayong movie director.

Fresh, pinag-isipan, at pasok sa panlasa ng mga millennial, ganito kung ilarawan ng mga nakapanood na ng Indak ang debut movie ng concert director.

“It’s a very fresh concept for a film. People will be surprised with this one. With the amount of time and effort that we have put in to this project I’m sure casual fans will enjoy it. This movie took almost two years to make,” sabi pa niya.

Two years in the making man ang pelikula, worth it para sa direktor ang naging proyekto dahil sa mga positibong reviews na kanilang nakukuha ngayon.

“Two decades ago, Bagets ang nagsimula ng mga ganitong genre ng pelikula sa Philippine cinema and ngayon, I think with the advent of Step Up and La La Land, nagkaroon ng bagong opportunity ang mga tao kasi na open-up ‘yung market and wala nang limitations ang media so lahat ng tao can enjoy this kind of genre,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, patuloy pa din na napapanood sa mga sinehan ang Indak na pinagbibidahan ni Sam Concepcion at Nadine Lustre.