• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos bumili ng bahay, Joshua Garcia, plano namang bigyan ng negosyo ang ama

Matapos bumili ng bahay, Joshua Garcia, plano namang bigyan ng negosyo ang ama

Pagkatapos bilhan ng bahay, plano ni Joshua Garcia na bigyan naman ng negosyong restaurant ang kaniyang ama.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/13/2019 10:49 AM
Matapos bumili ng bahay, Joshua Garcia, plano namang bigyan ng negosyo ang ama


Dream come true para sa The Killer Bride actor na si Joshua Garcia ang bahay na binili niya para sa ama. Sa kaniyang guesting sa Magandang Buhay nitong Lunes, ikinuwento ni Joshua ang mga susunod niya pang plano para sa kaniyang pamilya.

"Hindi kami sanay sa ganyang kalaki na bahay, so nasa kwarto lang kami kadalasan minsan nasa sala lang kami. Naninibago pa kami doon sa lugar, malaki masyado para sa amin," kuwento ng aktor nang kinumusta ng mga momshie hosts ang kanilang paglilipat.

Pagpapatuloy ni Joshua, plano niya na ring bigyan ng negosyong restaurant ang ama. 

"Kasi parang napapansin ko nababagot yung erpat ko kasi sa bahay. So sabi ko, kelangan may ginagawa to. Iba pa rin yung may trabaho ka e. Sabi ko sa papa ko, restaurant yung ano niya. Kasi yung papa ko magaling magluto e," paliwanag ni Joshua. 

Lalong humanga ang mga momshie hosts sa aktor nang sabihin ni Joshua na sinimulan niya na ring suportahan ang pamangkin sa pag-aaral nito. Maging ang kaniyang ate na sinuportahan niya rin ay nakatakda nang gumraduate sa susunod na taon. 

"Pero ito po kasing sitwasyon ko ngayon, pangarap ko rin ito e, naging pangarap ko na rin siya. So ineenjoy ko muna ito," pahayag ni Joshua na sinabing balak niya ring ipagpatuloy ng pag-aaral kapag nagka oras ulit. 

https://push.abs-cbn.com/2019/8/5/fresh-scoops/julia-barretto-defends-herself-from-accusations-212969

https://push.abs-cbn.com/2019/7/28/fresh-scoops/joshua-garcia-explains-why-he-comforted-julia-barr-212549

Sa parehong interview din sa morning talk show, ibinahagi ni Joshua ang set up nilang pamilya ngayon gawa ng hiwalay ang kaniyang mga magulang. 

"Actually natutuwa ako sa set up naming pamilya ngayon, kasi si mama pumupunta siya sa bahay namin at nagse-stay siya doon nang isang linggo, tapos nagba-bonding lang kami doon sa bahay. 

"Nakakatuwa lang na okay sila together, kahit na hindi sila nagkatuluyan at the end, magkaibigan sila," pag-amin ni Joshua. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hello,

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

Bida si Joshua sa bagong teleserye sa Primetime Bida, ang The Killer Bride. Mapapanood ito araw araw pagkatapos ng The General's Daughter.