• Home
  • Fresh Scoops
  • Marjorie Barretto sa kanyang pamilya: ‘We choose to feel blessed’

Marjorie Barretto sa kanyang pamilya: ‘We choose to feel blessed’

Nananatiling positibo ang dating aktres na si Marjorie Barretto sa gitna ng isyung kinasasangkutan ng kanyang pamilya, partikular na ang pagalawang anak na si Julia Barretto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/13/2019 2:25 PM
Marjorie Barretto sa kanyang pamilya: ‘We choose to feel blessed’


Photo credit: @marjbarretto IG

Nananatiling positibo ang dating aktres na si Marjorie Barretto sa gitna ng isyung kinasasangkutan ng kanyang pamilya, partikular na ang pagalawang anak na si Julia Barretto. 

Sa Instagram nitong Lunes, masayang nagbahagi si Marjorie ng ilang family photos mula sa baby shower ng kanyang panganay na si Dani Barretto at nagpasalamat para sa sa matibay na samahan nila ng kanyang mga anak. 

 

 

"These photos pretty much sum up my whole life. My five children, my son-in-law Xavi, and my granddaughter who we are so excited to meet. Thank you Lord, for giving us each other, through the good and the bad, we can always draw strength from one another. I can’t imagine any other life than this. We choose to feel blessed," aniya.

Ito ay matapos ang usap-usapang pagpapalit ni Marjorie ng kanyang Instagram bio sa "ghost writer" bilang kanyang reaksyon umano sa naunang statement ng kapatid ni Gretchen Barretto ukol kay Julia. 

READ: Marjorie Barretto changes Instagram bio to ‘ghost writer’, Gretchen Barretto responds

Sa nasabing statement, inakusahan ni La Greta ang kanyang pamangkin na nag-hire ng ghost writer kaugnay ng official statement nito sa isyung may kinalaman siya sa breakup nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Samantala, bilang sagot kay Marjorie ay nagpalit din si Gretchen ng kanyang Instagram bio at isinulat ang "ghost buster".