• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, ibinahagi ang hamon sa out of the box role sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Judy Ann Santos, ibinahagi ang hamon sa out of the box role sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/13/2019 12:37 PM
Judy Ann Santos, ibinahagi ang hamon sa out of the box role sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


Photo credit: @officialjuday IG

Iba’t-ibang reaksyon ang nakuha sa manonood ng top rating Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano sa pagpasok ng kakaibang karakter na ginagampanan ni Judy Ann Santos.

Sa naging interview kay Juday, kakaiba ang role na humahamon sa kanya.

“Lahat ng challenges nasa role na yun! Siyempre creepy talaga sa simula kasi hindi pa naman aware ang maraming tao sa ganun klaseng illness ano but I’m happy to take on the challenge it’s something that i haven’t done in my 32 years in this industry,” sabi pa ni Juday.

Para kay Judy Ann, napapanahon na gumanap siya ng out-of the box na papel gaya nito.

“Parang gusto mo lang ng bago gusto mo lang alamin kung hanggang saan ang acting skills mo bilang artista, and I enjoy it. I enjoy it so much although it’s very hard,” kuwento pa niya.

Naibahagi din ni Juday ang working relationship nila ni Coco Martin na tumatayong bida at direktor ng programa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ate ko ito!!!😍😍😍

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

 

“I like how Coco listens to my suggestions, i like na it’s a give and take relationship with the whole team and something I respect about Coco is he listens,” pahayag pa niya.

Marami na din ang request na sana ay magsama din sa pelikula si Coco Martin at Judy Ann Santos.