Janella Salvador, ceasefire na sa inang si Janine Desiderio

Matatandaan na naging laman ng mga balita ang Love-Hate relationship ni Janella Salvador sa kanyang ina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/13/2019 12:04 PM
Janella Salvador, ceasefire na sa inang si Janine Desiderio


Photo credit: @ j9desire IG

Sa naging pagbisita ni Janella Salvador sa Magandang Buhay nitong Lunes, August 12, masayang ibinahagi ng Kapamilya star ang panunumbalik ng magandang relasyon nila ng kanyang ina.

"With my mom, we're actually a lot better now. A lot better," tugon ni Janella sa mga Magandang Buhay host.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My beautiful mama.

A post shared by Janella Salvador 🦄 (@superjanella) on

 

Matatandaan na naging laman ng mga balita ang Love-Hate relationship ni Janella sa kanyang ina.

Kuwento ni Janella, napag-usapan na nila ng inang si Janine Desiderio ang mga hindi nila pagkakaintindihan noon.

“We’ve resolved some things, we talked about things, nag-apologize ako, nag-apologize siya, pati siya and I’ve realized actually when that happened recently, naiyak talaga ako kasi hindi ko in-expect na out of nowhere na lang she apologized din for the things she did,” sabi ni Janella.

Kuwento pa ni Janella, malaking bagay para sa kanya ang panunumbalik ng kanilang relasyon ng kanyang ina.

“Wala ever since parang ang laki ng weight na nawala sa akin, kasi its a milestone e. Kasi ang tagal din namin na hindi naging like super okay. So now parang nasa ibang stage na kami ng mom ko na, nagkakaintindihan na kami, I’m trying to tell her everything, ina-update ko siya sa life ko tapos, mas understanding na siya ngayon,” sabi pa niya.

“Parang kung may mangyari then I made a mistake, mas magiging understanding na siya ngayon.”

At ngayong maayos na ang kanilang relasyon, masasabi ni Janella na isa nang kaibigan sa kanya ngayon ang kanyang ina.

"I think it starting to become that way na,” pahayag pa niya.