• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao, aminadong muntik nang mag-quit sa showbiz noon

Shaina Magdayao, aminadong muntik nang mag-quit sa showbiz noon

Sa mahigit dalawang dekada sa showbiz, aminado ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao na minsan na niyang naisip na sumuko sa pag-aartista.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/12/2019 9:22 AM
Shaina Magdayao, aminadong muntik nang mag-quit sa showbiz noon


Bukas na nagkuwento ang Kapamilya actress tungkol sa kaniyang muntikang pag-quit o pagsuko sa karera sa showbiz. 

Sa press conference ng aktres para sa kaniyang bagong pagsama sa cast ng teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit, sinabi nitong kamakailan lang nang maisipan niyang kwestyunin ang pananatili sa industriya.

"Five, four years ago, that's when I started questioning. Parang ano ba talagang ginagawa ko?

"Whenever I talk about this, parang sinubo lang sa akin ang showbiz. When I was younger para lang akong naglalaro. 

"Then it started to feel like work. Lalo na nung napupuyat na ako, I started questioning. And then dumating din sa point na parang nagawa ko na lahat," kuwento ni Shaina.

Ayon pa sa aktres, nakatulong sa kaniyang pagpapatuloy sa pag-aartista ang kaniyang mga nakaraang proyekto. 

"[Just] when I started questioning that, I was given, good serious roles. [So] I took it as a challenge," pagpapatuloy niya. 

LOOK: Shaina Magdayao goes to Directors’ Fortnight in Cannes

Kamakailan, maaalalang nagpunta ang aktres sa France, para sa Cannes Film Festival, dahil sa pinagbidahang pelikulang Ang Hupa. Kasama niyang dumalo rito ang rumored boyfriend na si Piolo Pascual, na isa rin sa mga lead stars ng nasabing pelikula. 

READ: Shaina Magdayao, may surpresang pagbabalik serye sa ‘Nang Ngumiti Ang Langit’

Samantala, sa parehong press interview ay nagbigay din ang 29-year-old na aktres ng update sa kaniyang buhay pag-ibig. 

"If it's meant to happen, walang makakapigil. So when it happens, of course I will tell you, I will tell everyone pero sa ngayon, wala pang isang taong pwedeng mag-claim non," masayang pahayag nito.