• Home
  • Fresh Scoops
  • Myrtle Sarrosa on her love life: ‘Masaya ang puso ko ngayon’

Myrtle Sarrosa on her love life: ‘Masaya ang puso ko ngayon’

Former PBB Teen Big Winner Myrtle Sarrosa, may payo din sa bagong Big Four ni Kuya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/12/2019 3:09 PM
Myrtle Sarrosa on her love life: ‘Masaya ang puso ko ngayon’


Matapos ang matagumpay na show niya kasama ang ilan pang mga artista sa Canada ay magiging abala naman si Myrtle Sarrosa sa pag-pro-promote ng kanyang upcoming movie na Ang Henerasyong Sumuko sa Love under Regal Films. 

"May upcoming movie ako under Regal starring me, Tony Labrusca, Jane Oineza, Albie Casino and Jerome Ponce. It's called Ang Henerasyong Sumuko sa Love. Matagal na namin tong shinoot under JP Laxamana," bungad na kwento ni Myrtle sa naganap na annual Sisters Day noong Agosto 3 kung saan isa siya sa endorsers ng Megasoft brand.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Coming soon. 🌠 @regalfilms50

A post shared by Myrtle Sarrosa (@myrtlegail) on

 

Sinabi ng aktres na ayaw sa 'label' ng kanyang character sa pelikula. 

"Dito, my love interest is Albie, we try to figure out if magwowork yun relationship namin or hindi. Kasi ako doon ayoko ng labels, pero yung character niya gusto ng commitment, so paano nga ba nagwowork around doon sa ganoong klase ng issue? Especially for millenials," lahad pa niya. 

Dahil sa usaping pag-ibig, natanong ng PUSH si Myrtle kung siya ba ay sumuko na sa pag-ibig? Matagal na din kasing tahimik ang young star sa kanyang love life.

"Before sumuko na ako sa love, minsan kasi nasasaktan talaga tayo. And yun din yung essence din ng film, parang ang daming heartbreaks, di lang sa love, pati sa career, sa family, sa friends, relationships mo ... pero yung puso ko ngayon ay masaya," naka ngiting pag-amin niya.  

One year na din daw na dating si Myrtle sa isang non-showbiz guy. Ito rin daw ang dating naikwento niyang nanliligaw sa kanya at mas gusto na daw na ipribado ng dalaga ang love life kaya't di siya masyadong nagpopost tungkol dito sa social media. 

READ: Myrtle Sarrosa reveals why she chose to date a non-showbiz guy

Samantala, excited naman si Myrtle sa journey ng bagong Big 4 ng Pinoy Big Brother. Matatandaang naging Teen Big Winner si Myrtle ng Teen Edition 4 noong 2012. Ibinahagi din niya ang kanyang words of wisdom para kina Yamyam Gucong, Kiara Takahashi, Lou Yanong at Andrei Brouillete. 

 

 

"Even after the experiences, after they come out of the house, super sikat sila. They should never let the fame get into their head and appreciate nila lahat ng taong bumoto sa kanila. So kung may mga taong wild mag-cheer sa kanila, madaming nagpapapicture, wag silang mapagod," payo niya.  

Sinabi din ni Myrtle na naging wise siya sa kanyang financials at nag-invest siya sa ilang business at stock market. 

"Merong Potato Corner and other food carts. I invested in businesses and stocks. Gumawa din ako ng sarili kong guild sa Ragnarok and competing in tournaments. Hoping yung ginawa kong guild will compete internationally. Di ko ine-expect you can earn so much from gaming. Nun nag-PUBG ako, Ragnarok and ROS, it really opened doors for me. Yung hilig ko pala sa ganitong bagay, will benefit me eventually," kwento pa niya. 

Mapapanood din si Myrtle sa big screen soon sa upcoming zombie movie ng Star Cinema na Block Z.