• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador, ipinagdadasal na si Rambo Nunez na ang ‘The One’

Maja Salvador, ipinagdadasal na si Rambo Nunez na ang ‘The One’

Maja Salvador, aminadong hinanap ang kung anong meron sila ni Rambo Nunez kung kaya hindi nag-work ang kanyang past relationships.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/12/2019 9:33 AM
Maja Salvador, ipinagdadasal na si Rambo Nunez na ang ‘The One’


Photo credit: @iammajasalvador IG

Sa interview ng ABS-CBN Lifestyle kay Kapamilya star Maja Salvador, inamin nga aktres na pinagdadasal niya na si Rambo Nunez na nga ang “The One” niya. 

“I’m praying. Sana. Yes, I want. Kaya pinagdadasal ko,” ani Maja. 

Sinundan niya ito ng mensahe para kay Rambo: “Yes, I hope. So Rambo, behave.” 

READ: Maja Salvador posts sweet message for boyfriend Rambo Nuñez on his birthday

Nagkwento rin ang Killer Bride star kung gaano ka-espesyal si Rambo lalo na pagdating sa pag-aasikaso sa kanya. 

“When I’m with him, andun yung nare-relax ako… After ng work, andun yung mabe-burn out ka e. So I’m very lucky na talagang minsan nag-iisip siya anong trips pwedeng puntahan to relax. Siya yung nagpa-plan ng lahat.

“With Rambo… may other world. Nilalagay niya ako sa ibang world na nagagawa ko nang magaan lahat,” pagpapatuloy pa niya. 

Bukod daw dito ay “super supportive” at “sobrang gentleman” ng kanyang boyfriend. 

May kinalaman din daw diumano kay Rambo kung bakit hindi nag-work ang past relationships ni Maja. 

“Kasi nine years ago naging kami, but I’m too young so kailangan kong mag-work muna… nine years ago, andun yung gusto mo sa isang relationship, sa isang guy,” paliwanag niya. 

“Baka kaya hindi nagwu-work yung mga past ko, kasi may mga hinahanap ako na hindi ko ma-pinpoint kung ano,” dagdag niya. 

“Nung bumalik siya, nung tinanggal ko yung rule na walang balikan ng ex… sabi ko parang baka ito yung gusto ko talagang relationship. Basta kung ano yung meron kami.” 

Napag-uusapan na rin daw nila ni Rambo ang marriage. 

“Oo… napag-uusapan. But too early pa nga lang to say kasi ilang months pa lang (kami),” sabi niya.  

Sa usaping dream wedding, sinabi naman ni Maja na iniisip niya ang isang beach wedding  pero nananaig ang pagpapakasal sa simbahan dahil “para present si God.” 

Gusto rin niya ng simple at intimate wedding.  “Gusto ko simple lang. Hindi yung artista way. Very intimate lang,” paliwanag ng dancer-actress.