• Home
  • Fresh Scoops
  • LOL! You Do Note Girl Majo Lingat, inakalang mag-ina sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

LOL! You Do Note Girl Majo Lingat, inakalang mag-ina sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Humarap sa nakakatawang interview si You Do Note girl Majo Lingat kasama ang MYX VJ host na si Robi Domingo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/12/2019 9:18 AM
LOL! You Do Note Girl Majo Lingat, inakalang mag-ina sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla


Sumabog sa kakatawa ang MYX VJ na si Robi Domingo sa interview niya kasama ang bagong viral kid na si Majo Lingat. Sa Instagram post ni Robi nitong Sabado, sinabi niya, "Ito ang pinakamalaking twist ng taon! Calling out the nanay of @supremo_dp, @bernardokath? And Alden Padilla, @aldenrichards02" 

 

 

Nakakatuwang napagkamalan din ni Majo si Alden Richards, bilang "Alden Padilla", at The Voice Kids Coach Bamboo bilang "Coach Boombayah."

Sa hiwalay na guesting din para sa MYX, nakasama ni Robi si Majo sa MYX Daily Top 10 episode, kung saan ay tinuruan ng viral kid si Robi ng 'Acting 101.'

Panoorin ang interview dito:

Nakilala si Majo nang naging trending sa social media ang kaniyang spoof sa mga eksena ng Kadenang Ginto. Ilang artisa na rin ang gumaya sa kaniya, tulad ni Christian Bables, at mismong Gold Squad member na si Andrea Brillantes. 

 

 

READ: ‘You do note’ girl meets ‘Kadenang Ginto’ star Kyle Echarri

Matapos ang mga guesting sa iba't ibang talkshow tulad ng Gandang Gabi Vice, Magandang Buhay, at Rated K, aabangan rin ang appearance ni Majo sa Kadenang Ginto