• Home
  • Fresh Scoops
  • Idol PH Zephanie Dimaranan on Sarah Geronimo: ‘Gusto kong maging katulad niya’

Idol PH Zephanie Dimaranan on Sarah Geronimo: ‘Gusto kong maging katulad niya’

First Idol PH Zephanie Dimaranan, pangarap maka-duet si Sarah Geronimo

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/12/2019 9:46 AM
Idol PH Zephanie Dimaranan on Sarah Geronimo: ‘Gusto kong maging katulad niya’


Sa Gandang Gabi Vice, tinanong si first Idol Philippines Zephanie Dimaranan kung sinong singer ang gusto niyang unang maka-duet. 

READ: Zephanie Dimaranan reveals what she was thinking right before she was announced as first Idol Philippines winner

Mabilis ang naging sagot ng dalaga. 

“Siyempre po si Ms. Sarah Geronimo.” 

Bukod sa naging mentor ni Zephanie si Sarah sa The Voice Kids Philippines noong 2015, ay idolo daw niya ang Popstar Princess. 

PANOORIN: PushTV: KILALANIN: Ang kauna-unahang Idol Philippines grand winner

Ayon pa sa 16-year-old singer, noon pa man daw ay gusto na niyang maka-duet ang kanyang coach. 

“Kahit naman po before, kasi na nakasama ko na po siya, parang gusto ko po talaga yung solo na performance with her,” sabi ni Zephanie. 

At dahil versatile artist si Sarah ay gusto raw niyang sundan ang mga yapak nito. 

“Winu-workout ko po yung ganung side ko kasi since idol ko po siya, kaya gusto kong maging katulad niya,” pagtatapos ng rising star.  

Bukod sa The Voice Kids at Idol Philippines, sumali rin si Zephanie sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime