EXCLUSIVE: Ejay Falcon, handa nang mag-asawa

Ngayong 30 years old na ang dating PBB Teen Big Winner na si Ejay Falcon, naging iba na daw ang kanyang mga pananaw sa buhay.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/12/2019 9:53 AM
EXCLUSIVE: Ejay Falcon, handa nang mag-asawa


Photo credit: @ejayfalcon_janaroxas IG

Kitang-kita ang maturity sa Kapamilya actor na si Ejay Falcon kung paano siya magsalita at kung ano mga pananaw niya sa buhay ngayong 30 years old na siya.
 
“Madali lang akong makontento, eh. Simple lang naman ang kaligayahan ko lalo na ngayon,” pahayag ni Ejay sa PUSH.

At kapag nalulungkot siya sa buhay ay iniisip lang daw niya ang pinagdaanan niya tapos bumabalik na ulit ang joy sa kanyang sarili.

"Kapag nalulungkot ako minsan, kinukumpara ko lang yung buhay ko dati at ngayon. Tapos masaya na naman ako, ganun lang.

“Eh, kasi ganun, eh. Iisipin ko lang, ‘Ano ba ako dati?’ Tapos ah, ‘Thank you Lord, okey na po ako.’ Di pala hamak na ibang-iba na pala ako ngayon. Iba pala itong na-achieve ko. Masyadong malayo sa dati kong buhay, so okay na ako,” lahad pa ng aktor.

WATCH: Ejay Falcon shares behind-the-scenes video of K-drama ‘Where Stars Land’

Ang hindi lang daw niya talaga maiwasan ay yung mag-complain pagdating sa kanyang trabaho.

"Minsan lang, pag sa trabaho, siyempre bilang aktor may hinahanap ka talaga like sa acting, yung ganitong role. Do’n lang ako medyo naghahanap. Pero sa buhay, wala na, eh,” sambit niya.

“Ayoko namang hilingin na… Ayokong bumalik sa dati, pero  alam mo yon, galing ako do’n, eh. Galing ako sa wala, na nagkaroon. Alam ko yung pinanggalingan ko. Yung contentment, yon lang naman ang nagpapasaya sa atin, eh,” dagdag pa ni Ejay.

Inamin ni Ejay sa PUSH na handa na rin siyang mag-asawa. Kaya lang, wala siyang nabanggit kung kelan niya balak mag-propose sa girlfriend na si Jana Roxas.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Heart’s day❤️ #everydayiloveyou

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on

 

“Ako ready na, alam ko ready na rin siya. Thirty na rin kasi ako. Pero yung mag-propose moment kasi ng isang lalaki yon na bigla mo na lang, ‘Moment ko na, kailangan ko ng gawin.’

“May mga ganun, eh. Pero hindi yung parang pinaplano mo o minamadali na, ‘Uy tumatanda  na ako, kailangan ko na next year mag-propose or what. Basta moment sa buhay mo yon na bigla na lang mare-realize mo na it’s about time na,” katwiran niya.

Maging sa pagkakaroon ng anak ay handa na rin si Ejay.

“Ready naman ako sa lahat. Kung dadating, dadating. Basta ready ako,” pag-amin pa niya.

“ Ano yan, eh, blessing yan, eh. Lalo pa ako, kasi hindi ko nakita yung tatay ko, so siyempre, ang magiging anak ko yon yung magiging carbon copy ko, di  ba?

“Kasi hindi ko alam ang itsura ko, eh, sa totoo lang. Kahit nakatingin ako sa salamin hindi ko alam yung… ano ba ako, ano ba yung appeal ko, ano ba si Ejay sa tingin ng tao? 
Naghahanap ako ng… kasi nga hindi ko nakita yung tatay ko, so kung makikita ko yung anak ko, na ito pala yung itsura niya, do’n ako na-eexcite,” masaya niyang pagbabahagi.

PHOTOS: LOOK: Ejay Falcon and Jana Roxas’s nights in New York

Eh, handa na rin ba ang girlfriend niya?

Sagot niya, “Ang alam ko ready na rin naman siya kasi 29 na rin siya. At sa pagkakilala ko sa kanya, gusto naman na niya, ready naman siya.”

Ilang anak ba ang gusto niya?

“Ako, okay ako sa apat o kaya baka anim,” sabay tawa ng bida ng Sandugo TV series ng ABS-CBN.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Team Sandugo. #soon #abscbntradeevent2019

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on