• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, considers Zac Efron as a ‘perfect stranger’

Anne Curtis, considers Zac Efron as a ‘perfect stranger’

Wala raw naman nakikitang masama si Anne Curtis na maging inspirasyon ang isang idol o crush mo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/12/2019 9:28 AM
Anne Curtis, considers Zac Efron as a ‘perfect stranger’


Photo credit: @annecurtissmith and @zacefron IG

Kinikilig ang bida ng Just A Stranger na si Anne Curtis tuwing babanggitin ang pangalan ng sikat na Hollywood actor na si Zac Efron. Sana raw ay naging “stranger” sa buhay niya si Zac para mas makilala niya ito at maging kaibigan.

“l’ve actually been in a situation before when you actually meet someone and parang, ‘wow, they’re so nice!’ That’s it!

“It never moves on to friendship or anything else more than friends, but you imagine in your head,” lahad ng aktres na kapareha ni Marco Gumabao sa pelikula.

At para sa kanyang, best example nga daw ng “perfect stranger”  na sinasabi niya ay si Zac.

“So I saw Zac Efron in a place before and naisip ko rin talaga...  na-imagine ko ‘yung how many times... what could have happened if we were introduced as friends.

“Could we actually be good friends or would it happen to a point that we would date? Alam mo ‘yung ganu’ng klase mag-isip?” wika pa niya.

Pero marahil ay hindi raw talaga meant to happen na magkakilala sila.

“It’s not supposed to happen,” sabi ulit ni Anne.

Wala  raw naman siyang nakikitang masama na maging  inspirasyon ang isang idol o ang tao na hinahangaan o crush mo.

“Alam mo ‘yon? It doesn’t have to be more than that. Okay na tayo na hanggang idol lang natin sila or crush lang natin sila... but that’s just my thoughts,” maigsi niyang paliwanag.

Samantala, may temang May-December affair ang Just A Stranger na idinirek ni Jason Paul Laxamana mula sa Viva Films na showing on August 21.

Ang kuwento ng pelikula ay iikot kina Mae (Anne), isang babaeng may asawa, at Jekjek (Marco), anak ng isang ambassador, na magkakakilala at magkakaroon ng one-night stand habang nasa Lisbon, Portugal.

Ayon sa director ng pelikula, hindi raw niru-romanticize ng pelikula ang illicit affair o pagtataksil. Ipapakita raw dito nang malaliman ang ang personal na buhay ng mga karakter at ang rason sa likod ng kanilang mga akyson.