• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe president Paula Shugart eyes Philippines for 2019 Miss Universe pageant

Miss Universe president Paula Shugart eyes Philippines for 2019 Miss Universe pageant

Mas maugong ngayon ang balita ng muling pagdaraos ng Miss Universe pageant sa Pilipinas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/11/2019 11:43 AM
Miss Universe president Paula Shugart eyes Philippines for 2019 Miss Universe pageant


Photo credit: @rsfrancisco888 IG

Mas maugong ngayon ang tila muling pagdaraos ng Miss Universe pageant dito sa Pilipinas.

Kasunod ito ng kumakalat na litrato ngayon ni Miss Universe Organization President na si Paula Shugart na dumating sa bansa para bisitahin ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa Instagram post ni Renan Teodoro Eusebio, kasama niya sa litrato si Shugart at Miss Universe Philippines creative consultant Jonas Gaffud na bumisita sa isa sa pinakamalaking indoor arena sa bansa.

Bukod ang pagbisita sa Philippine Arena, usap-usapan na din ang tila naging pulong ni Shugart sa businessman na si RS Francisco na isa sa sumusuporta sa mga charity works ng Miss Universe Organization.

Dahil dito, mas uminit ngayon ang usap usapan muling pagdaraos ng prestihiyosong beauty pageant sa bansa.

Matatandaan na huling ulat ng PUSH, hindi isinasara ng major partner ng Miss Universe sa Pilipinas na si Luis Chavit Singson ang posibilidad na muling gawin dito sa bansa ang prestihiyosong Miss Universe pageant.

READ: Manila to host Miss Universe 2019?

Taong 2016 noong huling idaos sa Pilipinas ang Miss Universe kung saan ipinasa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach titulo kay Iris Mittenaire ng France.