• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca, nagpasalamat sa tagumpay ng ‘Los Bastardos’

Jake Cuenca, nagpasalamat sa tagumpay ng ‘Los Bastardos’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/11/2019 11:55 AM
Jake Cuenca, nagpasalamat sa tagumpay ng ‘Los Bastardos’


Masayang nag-kuwento si Jake Cuenca tungkol sa kanyang love life at inspirasyon na si Kylie Verzosa.

Kahit na araw araw napapanood sa Los Bastardos, naihihiwalay pa din nina Jake at Kylie ang trabaho sa personal nilang relasyon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Please please please... 😘 📸 @cerillafrommanila

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) on

 

“One thing about me and Kylie is totoong totoo lang kami. Ganun lang kami kasaya and at the same time ang maganda sa relationship namin dalawa kapag nagkikita kami walang bahid ng showbiz,” kuwento ni Jake.

Bukod sa magandang takbo ng relasyon kay Kylie, nagpasalamat din si Jake sa magandang takbo ng Los Bastardos na mag-iisang taon ng napapanood sa Kapamilya network.

“Ika-apat na season na ito ng Los Bastardos kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta sa show namin dahil sa kanila nasa ere pa rin kami mag one year na kami,” sabi pa ng aktor.

Ngayon, bahagi din si Jake ng isa sa 2019 Metro Manila Film Festival movie entry na Mission Unstapabol kasama si Pokwang, Vic Sotto at Maine Mendoza.