• Home
  • Fresh Scoops
  • Gino Roque, nakilala na ang ama ni Kiara Takahashi; nagpaalam na manligaw

Gino Roque, nakilala na ang ama ni Kiara Takahashi; nagpaalam na manligaw

‘Approve,’ na daw para sa ama ni Kiara Takasahi ang planong panliligaw ni Gino Roque.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/11/2019 11:29 AM
Gino Roque, nakilala na ang ama ni Kiara Takahashi; nagpaalam na manligaw


Na-sorpresa ang Pinoy Big Brother OTSO love team na KiaNo o sina Kiara Takashi at Gino Roque, sa pagbisita ng ama ni Kiara sa guesting nila sa Magandang Buhay nitong Biyernes, August 9. Dito ay nagkaroon din ng pagkakataon si Gino na ipagpaalam ang pangliligaw o pagbisita sa bahay nila Kiara, na agad namang inaprubahan ng ama nito.

"Yea, okay naman. Nice guy [siya], pero it depends kay Kiara. Kung gusto ni Kiara, go why not?" pahayag ng ama nang tanungin kung aprubado ba siya kay Gino para kay Kiara. 

Ngayong parehas na silang nasa labas ng bahay ni Kuya, excited na ang dalawa para mas makilala pa ang isa't-isa. "I haven't seen her like in a month and two days, puro sa TV lang. Siyempre when I saw her na-star struck ako... Ngayong nasa labas na kami I really want to know her more. I want her to know me also—yea, alam niyo na yun," nakangiting sabi ni Gino.

READ: PBB Otso ex-housemate Gino Roque, itutuloy ang panliligaw kay Kiara Takahashi

READ: Pagtitinginan ni Gino Roque at Kiara Takahashi, mauuwi na sa totohanan?

Sa parehong interview din ay nagpasalamat si Kiara sa naidulot ng PBB sa muling pagkakabuo ng kaniyang pamilya. "Because of PBB, nag-connect kaming lahat. I'm just really happy for everything, like hindi ko inexpect ito na darating yung time na ganito na makakasama ko ulit sila in one place,” aniya.

"Hindi lang niya ako binago kung sino ako, but then, dahil doon nagin close yung family ko, and kahit sa labas naging mas connected sila because of me, that means a lot, that's something special. Hindi ko akalain na darating yung araw na ganito," kuwento ng PBB OTSO second big placer. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I asked her dad kung pwede akong dumalaw sa kanila...

A post shared by Gino Roque IV (@ginoroqueiv) on

 

Nitong Linggo ay tinanghal ang PBB OTSO Ultim8 Big Winner na si Yamyam Gucong. Si Kiara ang 2nd Big Placer, habang sina Lou Yanong at Andre Brouillette naman ang 3rd at 4th Big Placer respectively.