• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson nanatiling positibo sa gitna ng isyu sa kanyang love life

Gerald Anderson nanatiling positibo sa gitna ng isyu sa kanyang love life

‘The only way to fight negativity is to be positive,’ kwento ni Gerald sa panayam ng ilang press.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/11/2019 12:20 PM
Gerald Anderson nanatiling positibo sa gitna ng isyu sa kanyang love life


Sa kabila ng pag-ulan ng mga batikos, tila naging malaking tulong para sa aktor na si Gerald Anderson ang pinagdaanang military training para pansamantalang makalimot sa pinagdaanang kontrobersya sa kanyang love life. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

3 days of the hardest training i have undergone .. these pictures dont give justice to it .. we were pushed physically and mentally beyond our limits .. i have learned so much in just three days.. being the company commander taught me how to lead other people but most important how to lead myself and stay composed despite any situation .. only 2 hours of sleep for 3 days .. more or less 10 seconds to eat your meal sometimes eating naka-dapa sa putikan .. that teaches you a lot .. patience,gratitude appreciation for even the small stuff .. Being a Philippine Scout Ranger is being a real super hero .. i appreciate your sacrifices men .. Maraming Marami salamat .. And to my Classmates @yvesfloreszeroseven @zackwey @elmomagalona @mrjeromeponce @ry4nj4y @jumaraniscal #anakngsultan the first class of the Soldiers Skillz Orientaion Training .. i have so much respect for you gentlemen .. 🙌🏻 Rangers!!! .. 10 counts!!.. 1 2 3 tion!!..

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

 

Kasunod ito ng pinagpipistahan pa din ngayon na hiwalayan nila ni Bea Alonzo at umanoy pagkakasangkot ng aktor kay Julia Barretto.

“Better! Better now, malaking bagay ‘yung training, malaking bagay na nalagay sa perspective ‘yung mga bagay-bagay,” tugon ni Gerald sa panayam ng entertainment press sa Skechers RUN2019.

Kuwento ni Gerald, inuulan man ng negatibong komento ngayon, nanatili pa din na positibo ang kanyang pananaw ngayon.

“Sa dami ng negativity alangan naman na maging negative pati ako ‘di ba? The only way to fight negativity is to be positive and with positive thinking, positive vibes and doing something positive also. Syempre madami ng negative energy and when you channel that in a right way, may magagawa kang mabuti. So ang goal ko, to come out a better man, better person,” aniya.

Dahil sa mga ibinabatong isyu ngayon, inamin ng aktor na naapektuhan siya para sa kanyang pamilya na nasasaktan din para sa kanya.

READ: Gerald Anderson, bumwelta sa mga ‘nakikisawsaw’ sa isyu nila ni Bea Alonzo

“Siyempre, but more than me is ‘yung mga tao sa paligid mo, ‘yung mga mahal ko sa buhay, ang pamilya ko ‘yun ang mas masakit e’. Kasi kung ako lang, okay lang sanay naman na ako, pero mahirap pati ‘yung pamilya mo,” sabi pa ni Gerald.

Sa kanyang pinagdaraanan ngayon, aminado ang aktor na nag-iwan ito ng aral sa kanya.

“Just like anybody else, kapag may challenge na darating sa buhay mo, laging may natutunan tayo e’ ang pinaka importante doon is, we learned something from all of this,” pahayag pa niya.

Matapos ang military training, tutok muna si Gerald sa kanyang basketball training para nalalapit na All Star Game 2019 na gaganapin ngayong Agosto 25 sa Smart Araneta Coliseum.