• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joseph Marco, excited nang makatrabaho si Nora Aunor

EXCLUSIVE: Joseph Marco, excited nang makatrabaho si Nora Aunor

Handa na din si Joseph Marco sa pagiging istrikto ng director ni Joel Lamangan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/11/2019 11:37 AM
EXCLUSIVE: Joseph Marco, excited nang makatrabaho si Nora Aunor


Photo credit: @josephcmarco IG

Kahit masydong busy sa taping ng ABS-CBN afternoon series na Los Bastardos ay tinanggap pa rin ni Joseph Marco na maging bahagi siya ng pelikulang Isa Pang Bahaghari bilang anak nina Nora Aunor at Phillip Salvador.

Ayon sa aktor, in-adjust naman ng Los Bastardos ang kanyang schedule para sa syuting ng Isa Pang Bahaghari. Handa na rin daw siyang ma-experience ang pagiging istrikto ng director ng pelikula na si Joel Lamangan.

“You know what, mas gusto ko yung istrikto, eh. Kasi ako, sobrang seryosong tao rin ako, very passionate ako sa craft ko. Ibig sabihin lang ng pagiging istrikto niya, gusto niya talang ma-perfect yung ginagawa niya, so gusto kong makuha yung energy niya. Gusto kong may matutunan ako sa kanya.

“I’m sure, madami talaga akong matututunan sa kanya. More than kinakabahan ako, mas excited ako do’n sa matututunan ko sa project na ito,” pahayag ni Marco sa aming exclusive interview.

Hindi rin makapaniwala si Joseph na bukod kay Direk Joel ay makakatrabaho din niya sa isang project ang superstar na si Nora Aunor.

“Ako, hindi ko ini-expect na makakatrabaho ko pa si Miss Nora and getting this kind of opportunity, sobrang blessed and thankful talaga ako. Excited akong makausap siya, interbyuhin siya, tanungin siya about career niya, yung mga experiences niya.

“Eh, ako kasi mahilig din akong kumausap sa mga veteran actors, gusto kong inaalam yung mga experiences nila in life,” lahad niya.

Handa na rin ba siyang ma-experience ang sinasabi sa showbiz na “mata pa lang ni Nora ay umaarte na”?

“I’m pretty sure na sa lahat ng co-actors niya parang kaluluwa yung binibigay niya. Na yon nga, pag tiningnan ka niya, parang ramdam mo na siya kahit hindi siya magsalita. I’m really looking forward for that experience,” excited na pahayag ni Joseph sa PUSH.