• Home
  • Fresh Scoops
  • TIGNAN: Dani Barretto, ininis pa ang kanyang bashers sa kanyang selfie

TIGNAN: Dani Barretto, ininis pa ang kanyang bashers sa kanyang selfie

Memorize na raw ni Dani Barretto ang pangungutya sa kanya ng netizens.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/10/2019 11:35 AM
TIGNAN: Dani Barretto, ininis pa ang kanyang bashers sa kanyang selfie


Photo credit: @danibarretto IG

Naging tampulan ng tukso si Dani Barretto matapos depensahan ang kanyang nakababatang kapatid na si Julia Barretto matapos madawit sa isyung hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Read: Dani Barretto to bashers telling her to back off from issue involving Julia: ‘I have all the right to comment’

Dinagsa ng bashers ang social media accounts ng vlogger at sinabihan pang ‘labanan ito ng magaganda.’ Sa halip na magpadala sa mga pangungutya ng netizens ay minabuti niyang balikan ang mga ito gamit ang kanyang selfie.

Aniya, memorize na rin daw niya ang kanilang linyahan. Isinulat muna niya ang madalas na sinasabi sa kanya.

“Eh kasi naman Dani girl, bakit ka ba kasi sumasali sa away ng magaganda eh napaka panget mo at pinakasalan ka lang naman kasi na buntis ka. Next time kasi quiet ka nalang. Yan tuloy nababash ka.

“Oh gulat kayo memorize ko na kayo noh? HAHAHA,” dagdag pa niya.

 

 

“Oh ito, mainis kayo lalo sa maganda kong mukha. You do note meeeeee,” ani Dani.

Kaagad namang inulan ng reaksyon ang kanyang ginawa at nakatanggap ng suporta sa kanyang mga kaibigan at tagahanga.