• Home
  • Fresh Scoops
  • Jin Macapagal itinanghal bilang kauna-unahang ‘BidaMan’ sa It’s Showtime

Jin Macapagal itinanghal bilang kauna-unahang ‘BidaMan’ sa It’s Showtime

Bilang Ultimate BidaMan tumanggap ng isang milyong piso si Jin Macapagal, na isa lamang sa mga premyo niya mula sa It’s Showtime.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/10/2019 10:34 PM
Jin Macapagal itinanghal bilang kauna-unahang ‘BidaMan’ sa It’s Showtime


Photo credit: @abscbnpr on Instagram

Si Jin Macapagal ang kauna-unahang itinanghal na Ultimate BidaMan sa noontime show na It’s Showtime kung saan nanalo siya ng isang milyong piso, management & movie contract, house and lot, at isang pick-up truck.

Ang ‘BidaMan,’ na isang segment ng It’s Showtime ay ipinakilala lamang sa publiko noong Marso. Dito ay sinusuri ng mga hurado ang galling ng mga aspiring star pagdating sa sayawan, kantahan at aktingan.

Isa sa mga tumatak na ginawa ng 24-anyos na binata ay ang pag-arte kasama si Jane Oineza kung saan naantig ang damdamin ng mga manonood at maging si Vice Ganda ay naging emosyonal sa eksena.

Kasama naman ni Jin sa Top 3 sina Eris Aragoza at Jiro Custodio at ang kanilang mga score ay base sa pinagsama-samang scores ng mga hurado na pinangungunahan ng It’s Showtime creator and director na si Bobet Vidanes kasama sina Joshua Garcia, Edu Manzano, Angel Locsin, Ian Veneracion, Nadine Lustre at director na si Ruel Bayani. 

Ang tubong Cebu na si Jin ay mapapabilang din sa ipapalabas na pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis ngayong Disyembre na kasama rin sa Metro Manila Film Festival (MMFF).