• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Model-actor Mark McMahon reveals he is comfortable having two gay best friends

EXCLUSIVE: Model-actor Mark McMahon reveals he is comfortable having two gay best friends

Mark McMahon, may love scene kasama si Cherry Pie Picache sa ‘Call Me Tita’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/10/2019 12:56 PM
EXCLUSIVE: Model-actor Mark McMahon reveals he is comfortable having two gay best friends


Buong pagmamalaking inamin ng dating Pinoy Big Brother housemate at modelong si Mark McMahon na ang itinuturing niyang dalawang best friends ay parehong bading or gay.

Sanay daw siya na pakisamahan ang mga gays.

Kuwento ng Pinoy-Scottish hunk, “Sanay na ako sa gays. Sobrang dami kong friends na gays.

“Actually, two of my best friends are gay. For me, they are still a person, you know. Just because they are gay doesn’t mean that you have to treat them different.”

Hindi raw siya sanay na makisalamuha sa mga bading noong sa Scotland pa siya nakatira, pero nag-iba raw ito nung manirahan siya sa Pinas.

“I wasn’t really used to being around with a lot of gays pero pagdating ko dito sa Philippines, siyempre ang dami.

“It’s not for me to act and think na parang they should adjust for me, I should adjust for them kasi nasa Philippines ako, eh, and sila na yan and you can’t do anything. You can’t expect them to act straight, kasi yon na sila, eh,” pahayag ni Mark.

Ano ba ang impresyon niya sa mga bading?

“Siyempre, may mga masamang gays at sobrang bait na gays – different levels, eh. But for me naman, it’s not a problem for me talaga. So, I have gay friends, like the LGBT they are much more friendlier ones and real people, that I think are more trusting or interesting to be with,” sagot niya.

Ibinihagi din ni Mark kung paano niya nakilala ang dalawang gay best friends niya.

“Na-meet ko sila dito. Pinoy yung isa, tapos Filipino-Italian yung isa. Pareho silang gay.

“Galing kami sa isang modeling agency, do’n kami nagkakilala ni Luigi, and from then, we just click, kasi yung isa Bisaya and Bisaya din ako, eh. Tapos we gained this friendship, walang bastosan or anything, just good friends.

“Tapos yung isa naman, si Cedric, room mate ko siya dati, so do’n nag-start yung friendship din namin. I get to know him, he gets to know me, and parang we look after each other kasi siyempre we live under the same roof.”

Dagdag pa niyang kuwento, siya rin daw ang nag-encourage sa kaibigang si Luigi na mag-come out na at huwag matakot ipakita ang tunay niyang gender.

“It’s a common thing now, eh. So, go with it, go with the flow, go with the movement, di ba? And it’s not a sickness or anything. I think  it’s evolution talaga, eh, an evolution of the human race,” lahad pa ng binata.

Samantala, bukod sa The Panti Sisters na kasali sa Pista Ng Pelikulang Piliino sa September ay nasa cast din si Mark ng digital movie ng iWant na Call Me Tita.

“Sa Call Me Tita, may love scene kami ni Ms. Cherry Pie (Picache) sa kusina na very rough. May pumping scene ako, kitang-kita ang puwet ko, my first time to do that,” natatawa niyang pagtatapat.