Ex-PBB housemate Kenzo Gutierrez, inaresto ng mga pulis

Pumalag si Kenzo Gutierrez at inaway ang mga pulis nang siya ay arestuhin ng mga ito.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/10/2019 9:45 PM
Ex-PBB housemate Kenzo Gutierrez, inaresto ng mga pulis


Arestado ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Karlos Lorenzo Gutierrez o mas kilala bilang Kenzo Gutierrezn matapos magwala at awayin ang mga kapulisan sa Makati nitong madaling araw ng Sabado, Agosto 10.

Ayon sa ulat ng Inquirer.net, ipinatawag umano ang mga awtoridad upang umawat sa isang gulo na kinasasangkutan ni Kenzo sa Pasong Tamo Extension, Barangay Magallanes bandang 1:20 ng umaga.

Kalat naman ngayon ang video na kuha ng Makati Police kung saan nagwawala ang 22-anyos na binata.

“‘Di niyo ba ako kilala? F*ck! P***** ina niyo! Ano? Suntukan na lang tayo?” aniya.

Ayon naman sa GMA News reporter na si Mav Gonzales, hindi na nagpa-interview si Kenzo ngunit humingi na ito ng paumanhin sa pulisya. 

Aniya, lasing na lasing siya at hindi niya matandaan ang mga nangyari.

Si Kenzo ay napabilang sa teen edition ng Pinoy Big Brother: 737  kasama sina Bailey May, Ylona Garcia at iba pa.