• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai Delas Alas on battling depression: ‘It’s lonely at the top’

Ai-Ai Delas Alas on battling depression: ‘It’s lonely at the top’

Kumunsulta din ng psychiatrist noon si Ai-Ai Delas Alas para sa kanyang naramdamang depression.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/10/2019 10:30 AM
Ai-Ai Delas Alas on battling depression:  ‘It’s lonely at the top’


Photo Credit: @msaiaidelasalas on Instagram

“Di ba, may kasabihan na, It's lonely at the top? Totoo ’yon, naranasan ko ’yon. Sa tagal ko sa industriya ngayon ko lang na-open itong topic na ito.”
 
Ito ang naging rebelasyon ni Ai-Ai Delas Alas sa ginanap na na presscon para sa kanyang pelikulang And Ai Thank You na showing on August 14. Ikinagulat ng entertainment press ang naging pag-amin ni Ai-Ai dahil wala namang napapabalita noon na dumaan siya sa matinding depression.
 
Ayon pa sa comedy actress, nagsimula siyang makaramdam ng matinding lungkot at depression nung panahong namamayagpag ang career niya dahil sa pelikulang Tanging Ina taong 2001.
 
“Before Tanging Ina. Nu’ng pagpatak ng mga 2001, doon nag-start lalo na after Tanging Ina,” pagtatapat ng comedy queen.
 
Patuloy niya, “More of pagod ka sa dami ng ginagawa mo, tapos parang ang daming tao na gusto kang kausapin, tapos wala kang time para sa sarili mo, so na-overwhelm ka.
 
“I think kaya ka nalulungkot, it's lonely at the top kasi pagod ka, eh. Tapos, parang lahat sila parang gustong kainin ‘yung buong pagkatao mo. Tapos, wala kang magawa kasi binigyan ka ng Diyos ng pagkakataon na sumikat.”
 
Komunsulta din daw siya noon sa doctor para mahanapan ng treatment ang kanyang nararamdaman.
 
“Ang wake-up call ko, nung time na nagpa-psychiatrist ako… binigyan ako ng Prozac, ‘yung effect sa ‘kin nu’n is nanginginig ako, nahuhulog ‘yung mga bag ko.
 
“Pag kinakausap mo ako para akong walang pakiramdam. Wala akong emosyon, so sabi ko, ‘Ang pangit, ayoko nito.’ So nag-ano na lang ako, devotion kay Mama Mary at kay Lord.”
 
Ibinahagi rin daw ni Ai-Ai sa iba at ilang kapamilya ang nae-experience niya bukod sa pagkakaroon ng matibay na pananalig sa Diyos na malalampasan niya ito.
 
Lahad niya, “Nagdasal ako, and shini-share ko sa iba ‘’yung nararamdaman ko and binibigyan naman nila ako ng payo.”
 
Samantala, kasama ni Ai-Ai sa And Ai Thank You sina Kakai Bautista at Rufa Mae Quinto. Ang pelikula ay idinirek ni Joven Tan mula sa Reality Entertainment at Horseshoe Studios