• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo, Inigo, Zsa Zsa at Karylle, nagpabilib sa kanilang ‘Circle of Life’ cover

Piolo, Inigo, Zsa Zsa at Karylle, nagpabilib sa kanilang ‘Circle of Life’ cover

Nagpabilib ang singers na sina Piolo at Inigo Pascual, Zsa Zsa Padilla, at Karylle sa kanilang live performance ng "Circle of Life", ang official theme song ng sikat na pelikulang The Lion King.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/1/2019 5:49 PM
Piolo, Inigo, Zsa Zsa at Karylle, nagpabilib sa kanilang ‘Circle of Life’ cover


Photo Credit to Walt Disney Studios Facebook Page

Nagpabilib ang singers na sina Piolo at Inigo Pascual, Zsa Zsa Padilla, at Karylle sa kanilang live performance ng “Circle of Life”, ang official theme song ng sikat na pelikulang The Lion King.

Nitong Martes, naglabas ang Walt Disney Studios ng bidyo kung saan mapapanood ang kanilang heartfelt rendition ng kantang unang pinasikat nina Carmen Twillie at Leo M. para sa 1994 animated version ng nasabing film. 

Sa kanilang interbyu, sinabi ni Inigo na mahalaga ang proyekto sa kanya dahil isa ang The Lion King sa kanyang paboritong films ng Disney.

Ayon naman sa kanyang amang si Piolo, “Father and son, it's quite special for us because it's like sharing something about yourself and passing it down to your child.”

Katulad ng mag-ama, espesyal din para kay Zsa Zsa ang kanilang performance dahil nakasama niyang kumanta ang anak na si Karylle. “It's really relatable to me to be singing this with you (Karylle). It's so special, something that gives me a lot of smiles.”


Panoorin ang bidyo rito:


Ang nasabing version ng “Circle of Life” ay para sa promotion ng live-action version na The Lion King na ipinalabas noong nakaraang buwan. Tampok sa pelikula ang boses nina Donald Grover, Beyonce, Chiwetel Ejiofor, James Earl Jones, at Seth Rogen.