• Home
  • Fresh Scoops
  • Phillip Salvador aminadong hindi na confident sa kanyang acting skills

Phillip Salvador aminadong hindi na confident sa kanyang acting skills

Phillip Salvador, ikinuwento kung paano siya napilit na tanggapin ang ‘Isa Pang Bahaghari”

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/1/2019 11:21 AM
Phillip Salvador aminadong hindi na confident sa kanyang acting skills


Sa story conference at look test ng pelikulang Isa Pang Bahaghari ng Heaven’s Best Entertainment ay nakorner ng PUSH at ng ilang entertainment press si Phillip Salvador kahit nagmamadali siyang umalis sa venue para sa isang previous commitment.

Aminado ang award-winning actor na ayaw niya sanang tanggapin ang pelikula dahil hindi na siya confident sa kanyang pag-arte.

“To tell you frankly, ayoko na sana. I even told Malou (Choa-Fagar, talent manager niya), ayoko na.

“Tinawagan ako ni Joel (Lamangan), ‘Sige na naman, magsama kayo ni Guy uli.’ ‘Direk, di na ’ko marunong umarte,’ sabi kong ganu’n.

“‘Hindi, hindi ako papayag! Kuya Ipe naman, ‘wag mong pasamain ang loob ko.’ ‘Yun na! Wala na,” kwento ng aktor kung paano siya napapayag magbalik-pelikula.

Si Ipe (palayaw ni Phillip) ang leading man ni Nora Aunor sa Isa Pang Bahaghari. Siya ang pumalit sa role na unang in-offer kay Christopher de Leon.

Sa August 1 ay magsisimula na ang shooting ng pelikula at ayon sa aktor, excited na rin siya na muling makatrabaho si Ate Guy na nakasama niya sa mga classic films na Bona, Tinik sa Dibdib, at Nakaw na Pag-ibig.

“Tapos makakasama ko uli ‘yung kalbong ‘yon (referring to Michael de Mesa), Eh, ako, nakakalbo pa lang. I mean, I’ll be working with the finest actors. And I’m scared!” sambit niya.
 
Patuloy ni Ipe, “So, ayun, kinakabahan ako. Binasa ko ‘yung script, maganda, maganda. Naiiba. Actually, umoo ako. Nakita ko ‘yung script, tapos umayaw ako. Tapos, ayun nga, ‘yung maliit na babaing ‘yon...,” na ang tinutukoy naman ay si Nora.

Tuluy-tuloy na ba ang pagbabalik-showbiz niya?

“I’m not really sure, I’m not really sure,” sagot niya. “I just... I want to do this, I love Direk, I love Guy and, ah, reunion!

“Nami-miss ko (umarte), pero alam mo naman ‘yung mga ginagawa kong films. Hindi na tayo nakakagawa ng ganu’n ngayon. Yung frustrations naming dalawa ni Robin Padilla, hopefully, makagawa uli kami ng ganu’n. Hopefully, like dalawa na ang film festival natin ngayon, isang summer, isang December.

“But ang maganda, maayos talaga, ‘yung mas maraming maipalabas na pelikulang Pilipino kesa foreign films. Like ibaba ang taxes ng Filipino films, itaas ang foreign films.

“Tapos, sana, ayoko na makakita nu’ng first day, last day. Kung mahina talaga, patapusin ng kahit at least one week, you know? Kasi, ‘di ba, two weeks ‘yan, eh. Two weeks nabibigyan ng chance. And, naka-support naman si Senator Bong Go and he will do something about it,” tuluy-tuloy niyang pahayag sa PUSH.