Nadine Lustre, tuloy pa din nga bilang si Maria Makiling?

Kasunod ng pagbibitiw ni James Reid sa ‘Pedro Penduko’, nanatiling bukas si Nadine sa pagtuloy ng proyekto ng Epik Studios.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/1/2019 12:55 PM
Nadine Lustre, tuloy pa din nga bilang si Maria Makiling?


Photo Credit: @paulnebres on IG

Hindi isinasara ng aktres na si Nadine Lustre ang posibilidad na pagpapatuloy niya sa pagganap bilang si Maria Makiling na isa sa mga proyekto ng Epik Studios.

Kasunod ito ng naging pagbibitiw ng kanyang boyfriend na si James Reid sa iconic Filipino character na Pedro Penduko.

Ayon sa aktres, “Ako, gusto ko pa din po siya gawin, sayang naman din po kasi. It's a good project, its a good material like what I was saying, ‘yun lang,” tugon ni Nadine sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Gaya ng marami, naghihintay pa din siya kung sino ang possible ng gumanap sa naiwan ni James na role na magsisimula ng kabuoan ng proyekto.

“‘Yung Pedro kasi [Pedro Penduko] as of now wala pang updates, baka late this year na po 'yun or maybe even next year na po siya matuloy, pero we'll see,” sabi pa niya.

At kahit na hindi matutuloy si James, tuloy pa din si Nadine kung sakaling ibibigay sa kanya ang proyekto.

"Ako po, I'm really down to do Maria Maikiling, tsaka matagal na din po kasi 'yun naka ready" pahayag ng aktres.