• Home
  • Fresh Scoops
  • Maine Mendoza, nagbigay suporta kina Alden Richards at Kathryn Bernardo

Maine Mendoza, nagbigay suporta kina Alden Richards at Kathryn Bernardo

Inanyayahan ni Maine Mendoza ang kaniyang mga tagahanga na suportahan ang bagong pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na ‘Hello, Love, Goodbye.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/1/2019 1:15 PM
Maine Mendoza, nagbigay suporta kina Alden Richards at Kathryn Bernardo


Photo Credit: @mainedcm on IG

Inaanyayahan ni Maine Mendoza ang kaniyang mga Twitter followers na suportahan ang bagong pelikula ng kaniyang dating katambal na si Alden Richards. Sa isang tweet niya, kinoncongratulate at tinag niya ang dalawang bida sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

"GUUUYS! Hello, Love, Goodbye now showing in over 350 cinemas nationwide! Sugod na sa sinehan! Congrats, @aldenrichards02 and @bernardokath!  " ayon sa caption ni Maine, kasama ang isang poster ng naturang pelikula.

READ:What celebrities said about Kathryn, Alden in ‘Hello, Love, Goodbye’
 

READ:Pag-ibig o Trabaho: Alden Richards at Kathryn Bernardo, ano nga ba ang pipiliin?

Agad namang bumuhos ang mga positibong komento mula sa mga fans ni Maine dahil sa pagiging bukas nito sa pagsuporta sa dating katambal sa AlDub love team.

Ini-retweet at nagpasalamat din mismo sina Alden at Kathryn kay Maine.

Nagmula sa magkaibgang love team sina Alden at Kathryn—AlDub at KathNiel. Ang mga nabanggit na love team ay dalawa sa mga masasabing may pinakamalawak na fandom mula sa magkabilang network.

Matapos ang collaboration nito ni Alden at ng Star Cinema, isang collaboration din ang aabangan mula kay Maine at ng Black Sheep. Inanunsyo nitong Hunyo ang bagong proyekto ni Maine kasama si Carlo Aquino para sa pelikulang, Isa Pa With Feelings.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Isa pa with feelings 🔜 @black_sheepph

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

READ:Carlo Aquino teams up with Maine Mendoza in new Black Sheep movie

READ: What Alden Richards has to say about Maine Mendoza’s film with Carlo Aquino

Nagsimula nang ipalabas sa mga sinehan ang Hello, Love, Goodbye noong July 31.