• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo, nagsisimula nang ipatayo ang dream house ng mga magulang

Kathryn Bernardo, nagsisimula nang ipatayo ang dream house ng mga magulang

Ipinasilip ni Kathryn Bernardo ang loteng pagtatayuan niya ng dream house ng kaniyang mga magulang.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/1/2019 12:55 PM
Kathryn Bernardo, nagsisimula nang ipatayo ang dream house ng mga magulang


Masayang ibinahagi ng Hello, Love, Goodbye actress na si Kathryn Bernardo ang plano niyang pagsisimula ng pagtayo ng dream house ng kaniyang mga magulang. Sa interview ng award-winning actress sa Magandang Buhay nitong Martes, July 30, sinabi ni Kathryn na tatlong taon na nang mabili niya ang loteng pagtatayuan nito.

READ:Kathryn Bernardo humbled by Best Actress win at The Eddys

"Dream ko talaga na mapatayo yung dream house namin nila mama. Pero hindi kasi joke yung gagastusin, ang daming priorities. So patagal na siya nang patagal, bago masimulan," pahayag ni Kathryn habang ipinakita ang isang Instagram post ng ina na si Min Bernardo noong nakaraang linggo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Soon! @bernardokath @supremo_dp @littlelhexine Papa Teddy

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on

"Last week, doon ko lang sinurprise sila Papa, dun lang namin pinakita na may nabili kaming lote... Alam ko, gusto rin ni mama na mapatayo na yung dream house na 'yon. So sana, this year masimulan," kuwento pa ng aktres.

Sa parehong interview din, inamin ni Kathryn ang estado ng kaniyang buhay ngayon na ayon sa kaniya ay ang "happiest".

"Sobrang contented ko ngayon sa lahat nang nagyayari personally, at sa trabaho. Sobra-sobra ito sa hiniling ko kay God.

Dagdag ng aktres, isa rin sa dahilan ng kaniyang pagiging masaya ngayon ay ang bagong pelikula na Hello, Love, Goodbye, kung saan ay nakasama niya si Alden Richards, at muling nakatrabaho si Direk Cathy Garcia-Molina.

"Feeling ko kasi after ko gawin itong Hello, Love, Goodbye, mas nabuo ako. Hinayaan ako na mag-grow ni DJ (Daniel Padilla), and andito ako para suportahan siya sa gusto niya. And then ngayon, parang mas nabuo ako," pagpapatuloy niya.

READ: Pag-ibig o Trabaho: Alden Richards at Kathryn Bernardo, ano nga ba ang pipiliin?

Kasalukuyang ipinapalabas na ngayon ang Hello, Love, Goodbye sa mga sinehan.