• Home
  • Fresh Scoops
  • TINGNAN: Julia Barretto, Joshua Garcia, at Maja Salvador, all smiles sa isang photo

TINGNAN: Julia Barretto, Joshua Garcia, at Maja Salvador, all smiles sa isang photo

Sa gitna ng kontrabersiya, nakangiting magkakasama sa isang group photo sina Julia Barretto at Joshua Garcia, kasama pa si Maja Salvador.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/1/2019 8:15 PM
TINGNAN: Julia Barretto, Joshua Garcia, at Maja Salvador, all smiles sa isang photo


Photo Credit: @nhilanhils IG

Sa gitna ng pagkaka-ipit sa kontrobersyal na isyu ng hiwalayan o 'ghosting' nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, spotted si Julia Barretto sa isang group photo kasama ang ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia. 

Sa isang Instagram post, makikita ang nakangiting sina Julia at Joshua, kasama nina KZ Tandingan, Tony Labrusca at Maja Salvador, na naging ex-girlfriend ni Gerald.

"Ready na sila to see you mga kapamilya sa Bay Area. #ASAPBayArea," ayon sa caption ng naturang post. 

 

 

Magsasama-sama ang mga nabanggit na Kapamilya stars para sa espesyal na episode ng ASAP Natin To, sa San Francisco, ngayong darating na Linggo. 

READ: Joshua Garcia offers word of encouragement for Julia Barretto amid controversy

Kamakailan lang ay nagbigay ng mensahe ng suporta si Joshua kay Julia tungkol sa pagkadawit ng aktres sa isyu, sa pamamagitan ng isang text message. Ipinost ni Julia ang naturang text sa kaniyang Instagram stories. 

Samantala, pinili din ng The Killer Bride lead star na huwag na ring gatungan pa ang isyu nina Bea, Gerald, at Julia. 

"Ayaw ko pong sumali. Ayaw kong sumagot. Sa akin kung pwede lang po, wala na ako diyan," sabi ni Maja sa mediacon ng kanyang bagong teleserye.   

Matapos magsalita ni Bea tungkol sa biglaang hindi pakikipag-usap sa kaniya ng boyfriend, ay wala pa ring opisyal na statement na inilalabas  si Gerald tungkol dito.