• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Alden Richards sa tambalang KathNiel: ‘Kita mo yung pagiging totoo nila’

EXCLUSIVE: Alden Richards sa tambalang KathNiel: ‘Kita mo yung pagiging totoo nila’

Nagpapasalamat si Alden Richards sa personal na pagbisita at pag-congratulate sa kaniya ni Daniel Padilla sa huling araw ng kanilang shooting ni Kathryn Bernardo para sa ‘Hello, Love, Goodbye.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/1/2019 12:11 PM
EXCLUSIVE: Alden Richards sa tambalang KathNiel: ‘Kita mo yung pagiging totoo nila’


Tinuturing ng Hello, Love, Goodbye actor na si Alden Richards na 'extra special' ang kaniyang kauna-unahang proyekto sa Star Cinema, dahil naging direktor niya si Cathy Garcia-Molina, at katambal niya pa si Kathryn Bernardo. Ayon sa kaniyang interview sa PUSH Bets Live isang pribilehiyo daw para kay Alden ang pagkakataong ito.

"This film is 'extra special,' yun din yung sinabi ni Kath nung nalaman niyag pinayagan ako sabi niya, 'Paano yung fans' mga ganyan," pahayag ni Alden nang tinanong kung ano ang naging reaksyon niya nang malaman ang kaniyang makakatambal.

Dagdag niya, "Isa rin 'to sa mga risks na tinake [ko] for growth as an actor na rin. And it’s an opportunity for a lifetime na rin, kaya hindi na ako nag-think twice."

READ: Alden Richards, inaming naudlot ang relasyon sa isang aktres

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

This is it @bernardokath! Countdown to July 31! #HelloLoveGoodbye

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Sa parehong interview din ay nagbigay ng pasasalamat si Alden sa nobyo ni Kathryn na si Daniel Padilla, dahil sa pagpayag sa naturang proyekto, at sa pagiging bukas nito nang bumisita sa huling araw ng kanilang shooting.

"Si DJ pumunta nung last day namin sa set. Nagulat ako no'n kasi hindi ko inexpect e, and then he congratulated me sabi niya kapag Direk Cathy siguradong blockbuster. So gusto ko siyang pasalamatan for taking the time and courtesy to talk and congratulate me.

"Talagang kita mo yung pagiging totoo ng dalawang mag-partner. I would really say na hindi sila showbiz," puri ni Alden sa tambalang KathNiel.

Para kay Alden, ito na ang panahon para maging bukas ang mga fans sa mga oportunidad at collaboration ng mga aktor at aktres, sa kahit anumang network na kinabibilangan.

"It turns out na - after doing this film. People should be really open to collaboration, kasi mas marami tayong magagawang possibilities if we go out to our shell, if we try to go out of our network.

"From ABS-CBN and from GMA, pwede pala, possible pala," paliwanag ng aktor.

READ: What celebrities said about Kathryn, Alden in ‘Hello, Love, Goodbye’

Panoorin ang buong interview dito:

Nagsisimula nang ipalabas sa mga sinehan ang Hello, Love, Goodbye.