Ejay Falcon, sasabak sa aksyon sa bagong proyekto

Ito ang pagbabalik telebisyon ni Ejay Falcon na mapapanood soon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/1/2019 1:23 PM
Ejay Falcon, sasabak sa aksyon sa bagong proyekto


Photo Credit: @ejaythefalcon on IG

Todo paghahanda na ngayon ang aktor na si Ejay Falcon para sa pagsisimula ng kanyang pagbabalik-teleserye.

Isa si Ejay sa mga magiging bahagi ng Sandugo kung saan makakasama niya sina Aljur Abrenica at Elisse Joson.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sandugo. @dreamscapeph Coming soon🙏🏻

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on

“Ang sabi sa amin, malapit na daw. Bigyan na lang natin ng kaunting kaunti na lang na panahon. Ngayon nagte-taping pa din kami,” tugon ni Ejay sa naging panayam ng PUSH at ilang entertainment press sa Beautèderm launch kung saan isa siya sa mga bagong brand ambassador.

Ayon sa aktor, mapapasabak siya sa aksyon sa Sandugo.

“Isa siyang family action drama na tumatalakay sa kuwento ng pamilya, mga nangyayari sa bansa natin sa kasalukuyan,” ani Ejay.

At dahil sa ilang maaksyong eksena ng proyekto, doble ingat din daw ang buong programa sa mga ipinapagawa sa kanila.

“Sa ngayon, wala pa naman (action scenes), Sana kahit maaksyon, wala talagang maging aberya sa atin naman. Lagi talagang andiyan ang medic kung sakali man na may hindi magandang mangyari,” pahayag pa ng aktor.

Inaasahan na bago magtapos ang 2019, mapapanood ang Sandugo sa Kapamilya network.