• Home
  • Fresh Scoops
  • Lou Yanong, ibinahagi ang special gift na madalas matanggap kay Andre Brouillette

Lou Yanong, ibinahagi ang special gift na madalas matanggap kay Andre Brouillette

Going strong sa three months ang relasyon nina Lou Yanong at Andre Brouillette.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/9/2019 11:03 AM
Lou Yanong, ibinahagi ang special gift na madalas matanggap kay Andre Brouillette


Photo credit: @ louyanong on Instagram

Always special para sa Pinoy Big Brother housemates na sina Lou Yanong at Andre Brouillette ang pag-celebrate ng monthsary.

Kaya naman, para kay Andre, pinipili niya na laging espesyal at romantic ang bawat moment nila ni Lou.

“We, tried to because in a way every monthsary in this whole everything (relationship) everything happening is like perfect way to celebrate and I want to make it special,” tugon ni Andre sa panayam ng PUSH.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

r • a • m • e • n

A post shared by lou (@louyanong) on

 

Ayon kay Lou, madalas siyang maka tanggap ng sweet at personalized na regalo mula kay Andre.

“Letters, he gives me letters, yeah I like traditional letters, ever since the date he writes for me,” kuwento ni Lou.

Kahit na panahon na na ng social media, extra sweet pa din para kay Andre ang pagbibigay ng sulat.

“I believe, traditional letter is much more meaningful, you put time and effort you really think the person how will react, and taking the time to write it,” paliwanag ni Andre.

Bakas naman ang kilig sa mga mata ni Lou hindi inakala makikilala ang special someone sa loob ng bahay ni Kuya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

partner in crime 🔫

A post shared by andré (@andrebrouillette) on

 

“Since we met inside the house, there’s no gadgets their and anything, sobrang raw noong relationship namin, how we started it, how we still go with it and nasanay kami na kami lang talaga which is I like,” aniya.

“I’ve been wanting na ‘yung gusto ko sa relationship is parang ‘yung nag-meet kayo sa coffee shop, hindi ‘yung parang mag meet kayo on-line, which is nakita ko siya sa loob ng PBB house,” pahayag pa ni Lou.

Sa ngayon, naghahanda na para sa kanilang nalalapit na muling pagbabalik sa Pinoy Big Brother house sina Lou at Andre.