• Home
  • Fresh Scoops
  • 'Daniela Mondragon' at Tony Labrusca, makakasama sa cast ng bagong movie nina Vice Ganda at Anne Curtis

'Daniela Mondragon' at Tony Labrusca, makakasama sa cast ng bagong movie nina Vice Ganda at Anne Curtis

Sina Daniela Mondragon (Dimples Romana) at Tony Labrusca ang ilan sa mga bubuo ng cast members para sa bagong pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/9/2019 7:36 PM
'Daniela Mondragon' at Tony Labrusca, makakasama sa cast ng bagong movie nina Vice Ganda at Anne Curtis


Kasama sa mga dumalo ng story conference para sa inaabangang pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis sina Tony Labrusca, Brenda Mage, MC at Lassy, at ang standee ni Dimples Romana (mula sa sikat na karakter niyang Daniela Mondragon). 

Ayon kay Vice, matagal na niyang naisip na isama si Tony sa kaniyang susunod na pelikula. 

"Nung pinasulat sa akin kung sino yung mga gusto kong kasama, kasama agad siya (Tony) doon sa listahan. Tas hinanapan na lang namin kung anong character ang pwede sa kaniya," pahayag ni Vice. 

Malaki naman ang pasasalamat ni Tony sa suporta na ibinibigay ni Vice sa kaniyang career. "Super bait sa akin ni Ate Vice sa akin lagi. Everytime I make guestings sa GGV (Gandang Gabi Vice) lagi, it always makes me feel at home, so now I get to be part of the new project with blockbuster queens," ani Tony na gaganap bilang love interest ni Vice at ni Anne. 

Bukod kay Tony, makakasama rin sa cast si Dimples bilang ang viral character niya mula sa teleseryeng Kadenang Ginto na si Daniela Mondragon. Paliwanag ni Vice gaganap bilang Daniela mismo si Dimples para sa pelikula. "Mambubwisit [siya]! E kung sa Kadenanng Ginto nambubwisit siya lagi, e dito mambubwisit siya ng patawa. Nakaka-excite din kasi, tsaka nakakatawa rin yan, baklang bakla din yan si Dimples Romana," ani Vice. 

Hindi naman mawawala ang mga tinuturing na 'lucky charms' ni Vice Ganda na sina MC at Lassy, Brenda Mage, Chad Kinis, at iba pang mga komedyanteng kaibigan. Para kay Vice, malaki ang naitutulong ng mga kaibigan niya sa mga ginagawa niyang pelikula. 

"I need to be with them kapag gumagawa ako ng pelikula, kasi I need to be surrounded by my friends, fun people. Tsaka yung mga makakatulong sa aming lahat sa mga eksena para mas maging nakakatawa siya. 

"Kasi ang kukulit ng mga utak ng mga baklang yan. Ang dami nilang inputs na malaking tulong sa creatives," paliwanag niya. 

READ: Anne Curtis, handa na ba makipagsabayan ng comedy kay Vice Ganda?

Ito ang pinaka-unang pagsasama ni Vice at Anne sa isang malaking pelikula ng Star Cinema at Viva Films. Target na mapasama ang naturang pelikula sa Metro Manila Film Festival. 

Sa ngayon, may working title ang proyekto na, VerSis. Gaganap na magkapatid sina Anne at Vice.