• Home
  • Fresh Scoops
  • Charo Santos, ikinuwento kung bakit itinago ang pagpapakasal niya noon

Charo Santos, ikinuwento kung bakit itinago ang pagpapakasal niya noon

Madaming natutunan si Charo Santos mula sa kanyang asawa tungkol sa pagiging isang lider ng isang organisasyon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/9/2019 10:56 AM
Charo Santos, ikinuwento kung bakit itinago ang pagpapakasal niya noon


Isa kami sa mga nagulat sa love story ni ABS-CBN Chief Content Officer na si Ms. Charo Santos na ipinalabas via a short documentary sa Sunlife presscon para sa kanilang “Kaakbay” campaign.

Twenty-four years older pala sa kanya ang husband ni Charo na si Cesar Rafael Concio Jr. nung pinakasalan niya ito.

Naging malaking isyu ang pagpapakasal nila noon na sinadya nilang itago dahil hindi ito tanggap ng lipunang ginagalawan, pero awa ng Diyos, hanggang ngayon ay matatag pa rin ang kanilang pagsasama.

Kuwento pa ni Charo, kung ano rin daw ang success na meron siya ngayon sa buhay ay dahil ito sa kanyang asawa.

Aniya, “My husband is my rock, anchor, and compass. Nirespeto niya ang pagkatao ko, so parang I’m just paying tribute to the man who loved me unconditionally.”

Sinuportahan din daw ng kanyang mister ang kanyang career kahit naging mag-asawa na sila.

“I guess, he’s a selfless man and he’s very happy for all my successes. Hindi siya maramot. Ang ganoong klaseng asawa ay hindi maramot. Nirespeto niya ang kababaihan ko, ang pagkatao ko.

“He allowed me to pursue my dreams. He allowed me to fly. He allowed me to commit mistakes and still loved me unconditionally,” sambit pa niya.

Aminado rin ang award-winning actress na marami siyang natutunan kay Cesar pagdating sa pagiging lider ng isang organisasyon.

“Parang leadership is never about you, it’s about the people you serve. Don’t take things personally. This social path, if you’re going through some challenges, you must learn to look at things with detachment so that you’ll be able to make objective decisions.

“The considerations may come later but at least you’ve made a fair and objective cause. Learn from your mistakes but don’t dwell on your mistakes.

 “Alisin mo iyong, ‘eh, kasi naman’ sa iyong lengguwahe o ‘alam mo, sanaganito ang ginawa ko’, kasi sometimes we tend to blame and point a finger at the world,” pagbabahagi ni Charo.

“He taught me also the sense of accountability. Pag may mali ka, aminin mong mali ka,” dagdag pa niya.

Pero bukod sa learnings from her husband ay marami rin daw siyang natutunan sa kanyang mga naging karanasan.
 
Na-outgrow lang daw niya ito dahil sa mga natutunan niya sa kanyang mga karanasan.

Lahad niya, “I guess, with all the experience, with age gain, when you gain experience, when you gain more wisdom, it brings you self-confidence. Mas marami kang nakakasalamuha na nare-realize mo na pare-pareho naman kaming taong puwedeng magkamali at bumangon sa pagkakamali.”

Kasama ni Charo na humarap sa press during the Sunlife presscon ang iba pang celebrity endorser ng kompanya na sina Enchong Dee, Matteo Guidicelli at ang mag-amang Piolo at Inigo Pascual