"Dreams [do] come true."
Ito ang naging pahayag ni Megastar Sharon Cuneta nang muli niyang ibida ang naging resulta ng kanyang weight loss journey sa Instagram nitong Linggo, Hulyo 6.
Sa nasabing post, nagbahagi ang seasoned actress ng kanyang before-and-after photos bilang patunay na malayo na ang kanyang narating sa kanyang fitness journey.
"DREAM. PRAY. BELIEVE. ACHIEVE," aniya sa kanyang maikling caption.
Ilan sa mga kapwa niya artista ang pinalakpakan si Sharon sa nasabing achievement, kabilang na sina Sylvia Sanchez, Ogie Alcasid, at Joross Gamboa.
Taong 2018 nang ginulat ng Megastar ang kanyang fans nang ibinida niya ang kanyang slimmer figure mula nang mag-simula siya sa kanyang weight loss journey noong 2016, matapos na pumanaw ang kanyang father-in-law na si Donato "Dony" Pangilinan.
“I was and still am doing it for ME. And I want to live a long, healthy life for and with my children and future grandchildren. And for my fans – because I know I kept failing whenever I tried to lose weight and get back to fighting form. Because you, my Sharonians, deserve the best version of me,” aniya.
Sa kanyang guesting sa morning talk show na Magandang Buhay, proud na ibinahagi ni Sharon na nakapagbawas siya ng 66 pounds o 29 kilograms sa unang taon pa lang ng kanyang weight-loss program.