• Home
  • Fresh Scoops
  • TIGNAN: International film posters ng ‘Hello, Love, Goodbye’, inilabas na

TIGNAN: International film posters ng ‘Hello, Love, Goodbye’, inilabas na

Pinagbibidahan ng tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards, nakatakdang ipalabas ang nasabing film sa Italy, Norway, Canada, Cambodia, Vietnam, New Zealand, Thailand, Hong Kong, at Myanmar.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/8/2019 6:38 PM
TIGNAN: International film posters ng ‘Hello, Love, Goodbye’, inilabas na


Photo credit: @starcinema on Instagram

Inilabas na ng Star Cinema ang digital at international film posters ng pelikulang Hello, Love, Goodbye

Pinagbibidahan ng tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards, nakatakdang ipalabas ang nasabing film sa Italy, Norway, Canada, Cambodia, Vietnam, New Zealand, Thailand, Hong Kong, at Myanmar.

 

 

Tungkol ang Hello, Love, Goodbye sa love story ng dalawang overseas Filipino workers na magtatagpo sa Hong Kong; si Joy, ang karakter na gaganapan ni Kathryn, ay isang helper, samantalang si Ethan, na pagbibidahan naman ni Alden, ay isang bartender.

 

Ito ang unang pagkakataon na magsasama ang dalawa mula sa pinakasikat na love teams na KathNiel (Kathryn at Daniel Padilla) at AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza) sa iisang proyekto. Makakasama nila sa pelikula sina Maricel Laxa, Joross Gamboa, Jason Blake, Lito Pementel, Jeff Tam, Lovely Abella, Maxine Medina, Kakai Bautista at Jerome Ponce.

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, nakatakdang ipalabas ang Hello, Love, Goodbye sa lahat ng sinehan itong darating na ika-31 ng Hulyo