• Home
  • Fresh Scoops
  • Star Magic new artist Javi Benitez, plano bang sundan ang ama sa pagpasok sa pulitka?

Star Magic new artist Javi Benitez, plano bang sundan ang ama sa pagpasok sa pulitka?

Ikinuwento rin ni Javi Benitez ang karanasan sa kaniyang pagsali noon sa Go-kart racing, kung saan ay minsan niyang nakasama sina Matteo Guidicelli at Marlon Stockinger.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/8/2019 9:33 AM
Star Magic new artist Javi Benitez, plano bang sundan ang ama sa pagpasok sa pulitka?


Excited na sa mga paparating na proyekto bilang isa sa mga bagong artista ng Star Magic si Javi Benitez. Sa interview niya sa PUSH Bets Live, sinabi ni Javi na pinaka inaabangan niya ang pagsabak sa mga action-themed movies o serye. 

"Ang daming talented na Kapamilya artists, so hopefully work with couple of them and to make good films. From hosting to acting parang mas dynamic yung iba't-ibang roles e. So looking forward sa iba't-ibang roles, pero mas preferred ko lang action talaga," pahayag ni Javi. 

Bilang isa rin sa mga anak ng kilalang kongresista mula sa Ilocos Norte na si Albee Benitez at nagtapos ng kursong Political Science sa kolehiyo, sinabi ni Javi na wala naman siyang plano sa ngayon na sundan ang career ng ama sa pulitika. 

"Passion ko talaga ang pag-arte. I played as a lead actor sa isang play [noong] college. [Kaya] pagbalik ko sa Pilipinas, that's when I wanted to join Star Magic workshops. 

"Kung pulitika [naman] ang pag-uusapan hindi naman kailangan ng posisyon para makatulong. As an actor pwede namang mag-volunteer in your own way. [So] hindi po 'yun ang direksyon ko ngayon, ang passion ko po talaga ay ang pag-arte," paliwanag ng binata. 

Focus si Javi ngayon sa kaniyang karera bilang aktor, lalu pa't nagsimula na rin ang shooting niya sa kauna-unahang pelikulang pagbibidahan, ang Kid Alpha One. 

WATCH: Katarina Rodriguez opens up about past relationship with Javi Benitez

Sa parehong interview din ng PUSH, ay ikinuwento ni Javi na may halos pitong taon niyang ginawa noon ang go-kart racing bilang hobby. 

"Such a good time in my life. Siguro six or seven years ago, Grade 4 to Grade 11, sobrang saya kasi I was able to travel and I was able to compete locally and internationally, so I did really well there," kuwento niya. 

Lumahok at nanalo si Javi sa Asian Go-karting Championship noong 2008, kung saan ay nakapunta siya ng Italy para sa world-wide competition, kasama niya ang ilan sa mga sikat na artistang nasa larangan rin nito, sina Matteo Guidicelli at Marlon Stockinger. 

"I wish I could still do it, kaya lang nag-iba na rin ng path [ko] and medyo expensive din e," dagdag ni Javi. 

Panoorin ang buong interview dito:

READ: Star Magic introduces a mix of 16 fresh and familiar faces for Star Circle Batch 2019

Isa si Javi sa 16 artists ng Star Magic Circle 2019, na ni-launch nitong Mayo.