• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai Cantiveros, nagsalita tungkol sa viral interview niya sa ina ni PBB evictee Diana Mackey

Melai Cantiveros, nagsalita tungkol sa viral interview niya sa ina ni PBB evictee Diana Mackey

“Wag na natin ijudge si Mami,” pahayag ni Melai Cantiveros matapos makarating sa kaniya ang paghingi ng tawad ng ina ni PBB evictee Diana Mackey na si Rowena Cariaga dahil sa inasal nito sa viral interview.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/8/2019 7:32 PM
Melai Cantiveros, nagsalita tungkol sa viral interview niya sa ina ni PBB evictee Diana Mackey


Photo credit: @mrandmrsfrancisco on Instagram

Nagsalita na ang Pinoy Big Brother OTSO host na si Melai Cantiveros matapos matanggap ang paghingi ng tawad ni Rowena Cariaga, ang ina ng evicted housemate na si Diana Mackey.

Ito ay kasunod nang mag-viral sa social media ang video clip mula sa interview ni Melai sa ina nitong Sabado, July 6, pagkatapos ang anunsyong eviction ni Diana. Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang naging asal ng ina ni Diana sa kaniyang interviewer na si Melai.

 

 

Sa bagong Instagram post ni Melai ngayong araw, July 8, ay ipinakita niya ang screenshot ng mensahe mula mismo kay Rowena na humihingi ng tawad sa kaniya. 

“Good day po, salamat po sa lahat ng sumuporta sa anak ko na si Diana Mackey. At kay Ms. Melai gusto kong mag-apologize di ko naman intention na matabig siya dahil para sa akin biro lang at di ko sinasadya yun [sic],” ayon sa post ni  Rowena.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming Salamat Sa lahat ng concern nyu sa akin :) at nakakatouch na mga mensahe . Pero ako na nagsasabi na di nmn ako nasaktan at naintindihan ko ang pinagdadaanan ng Mama ni Diana , kaya wag na kayu mabahala kasi kahit ako dn alam ko na di para sa akin ang emusyun ni Mami kundi sa Sitwasyun , at mix emotion na si Mami , natawa cya , nalungkot , nafrustrate , na normal na mararamdaman ng nanay pag hirapan o nasasaktan ang Anak :) kasi mga parehas nmn kming Momshie :) at PS after ng interview nagHug pa kmi ni Mami kasi kinomfort ko cya na dtu talaga sa outside world ang totoong laban :) ❤️❤️😍😍 wag na natin ijudge si Mami at magmahalan nlang tayu 👍😍😍🙏🙏🙏🙏🙏🙏 #pbbotsohost

A post shared by Melai Cantiveros - Francisco (@mrandmrsfrancisco) on

 

Agad itong sinagot ni Melai at sinabing naiintindihan niya ang naging asal ni Rowena, kaya't walang dapat ipag-alala sa kaniya.

“Ako na nagsasabi na di nmn ako nasaktan at naintindihan ko ang pinagdadaanan ng Mama ni Diana , kaya wag na kayu mabahala kasi kahit ako dn alam ko na di para sa akin ang emusyun ni Mami kundi sa Sitwasyun , at mix emotion na si Mami , natawa cya , nalungkot , nafrustrate , na normal na mararamdaman ng nanay pag hirapan o nasasaktan ang Anak :) kasi mga parehas nmn kming Momshie :) [sic],” ani Melai. 

Dagdag ni Melai, nagkaroon pa sila ng pag-uusap ni Rowena matapos ang naturang interview.  "At PS after ng interview nagHug pa kmi ni Mami kasi kinomfort ko cya na dtu talaga sa outside world ang totoong laban :) ❤️❤️😍😍 wag na natin ijudge si Mami at magmahalan nlang tayu 👍😍😍🙏🙏🙏🙏🙏🙏 #pbbotsohost [sic]," sabi ni Melai sa post. 

 

 

READ:Francine Diaz reveals Melai Cantiveros helped her family

READ:SEXY BACK: Melai Francisco proves she's in a hot momma in her latest OOTD

Nitong Sabado na-evict si Diana kasama ang kapwa housemate na si Franky Russell. Sa ngayon, balik bahay naman ang mga Big Four mula sa tatlong naunang batch ng PBB OTSO