• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy De Leon, di ba naging awkward ka-trabaho si Jameson Blake?

McCoy De Leon, di ba naging awkward ka-trabaho si Jameson Blake?

Parehong bida sa barkada movie na G! ang Hashtags members na sina Mc Coy De Leon at Jameson Blake na kapwa na-lilink sa isang aktres.

BY ANN MANHIT

FRESH SCOOPS

7/8/2019 10:42 AM
McCoy De Leon, di ba naging awkward ka-trabaho si Jameson Blake?


Photo credit: @hashtag_mccoydl on Instagram

Sa naganap na interview ng media sa pictorial ng pelikulang G! ng Cineko Productions, ikinwento ni McCoy De Leon ang tungkol sa kanyang role sa new generation barkada movie. 

"Ako po si Sam dito, isa akong football player. Ang pinaka adventureous sa barkada pero may cancer," simula niya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mccoy De Leon (@hashtag_mccoydl) on

Ayon kay McCoy excited siyang maipalabas ang pelikula dahil na din sa mga kakaiba at nakakatuwang mga eksena nila. 

"Sobrang di ko ineexpect, nung nabasa ko yun script 'paano namin gagawin to' Sobrang 'talon sa bangin' yung mga eksena." 

Masaya din siya na makasama ang mga fellow Hashtags members na sina Jameson Blake at Paulo Angeles sa movie dahil para lang daw silang totoong barkada sa harap at likod ng camera. 

"Nakakatuwa no, aminin natin sa industriya kadalasan yung shoot, may labanan yan, pagalingan, kompetensya. Ito wala eh, napakita namin yun character namin na iba-iba po," paliwanag niya samahan. 

Dito nabanggit na din ang kanyang love life at inamin ni McCoy na single siya sa ngayon. Matatandaang naging maingay ang naging hiwalayan nila ni Elisse Joson, na naging ka-love team at girlfriend niya matapos ang kanilang pagiging housemate sa Pinoy Big Brother noong 2017. 

"Single po ako ngayon dala nga po ng mga nangyari pero pahinga muna po sa love kasi masarap po magtrabaho, masarap po mag-ipon for the future. Hindi nadala, siguro napagod din (in a good way) pero masarap po magtrabaho ngayon," sabi ng young actor. 

At di rin naiwasan sagutin ni McCoy kung nagkaroon ba ng awkwardness sa pagitan nila ni Jameson dahil nalilink naman ito ngayon kay Elisse. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

G! 🎥

A post shared by imagine - dds (@dondonsantos) on

READ: Nililigawan na nga ba ni Jameson Blake si Elisse Joson?

"Pinapakiramdaman niya ko, sabi ko sa sarili ko, at sabi ng magulang ko, 'wag mo paramdam sa kanya (na awkward ka). Masarap din yung feeling na yun kaibigan mo, maging masaya din, yun ang thinking ko eh. Yung kaibigan ko maging masaya. Kaysa naman panay negative, punong puno na nga yung mundo ng husgahan, sasabay pa ako. Kaya nun nagtrabaho kami, kinakamusta ko pa nga sila eh. Ako yun lumalapit, wala naman na sa akin yun. Mas focus ako sa kasiyahan ng kaibigan ko," prangkang sagot niya. 

Sa usaping love team, nasanay na daw si McCoy na walang permanent na kapareha matapos ang nangyari sa kanila ni Elisse.  

"Love team? Mas ok, tinanggap ko nang ganun, alam ko na nung una palang, marami din naman kasing nagsabi sa akin  na in time din pwede ka maiba ng path. Ito na nga po, nangyari na sa kin. Sobrang thankful ako nadaanan ko na po yun, masaya ako kasi naexperience ko, may natutunan ako di ko naman po pinagsisihan." 

Directed by Don Don Santos, kasama din sa pelikula sina Mark Oblea at Kira Balinger.