• Home
  • Fresh Scoops
  • Ian Veneracion, inalala ang panahong muntikan na siyang tamaan ng kidlat sa sky diving

Ian Veneracion, inalala ang panahong muntikan na siyang tamaan ng kidlat sa sky diving

“Nakatulog ako sa sobrang lakas ng tunog, naging unconcious ako,” kuwento ni Ian Veneracion nang muntikan na siyang matamaan ng kidlat mula sa isa niyang sky diving experience.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/8/2019 7:08 PM
Ian Veneracion, inalala ang panahong muntikan na siyang tamaan ng kidlat sa sky diving


Photo credit: @ianveneracion1 on Instagram

Ikinuwento ng Kapamilya actor na si Ian Veneracion ang isang nakakatakot at ‘di malilimutang experience mula sa isa niyang sky diving adventure, sa episode ng Magandang Buhay kanina, July 8. 

Bilang mahilig sa mga adventures, sinabi ni Ian na madalas siyang nag-i-sky diving at tumatawid sa mga ulap. Ngunit, may isang pagkakataon kung saan bigla na lang siyang nagdalawang isip na pasukin ang isang ulap. 

“Nung time na ’yon, may cloud. Tapos parang nagda-dalawang isip ako kung papasukin ko kaya. E nakikita ko naman ‘yung isang instructor na [malayo sa akin], so sabi ko wala naman akong mababangga. Pero something in me was saying na wag [ko ng ituloy] talaga. So hindi ako pumasok.” 

“So yung cloud [nasa ibabaw] ako, tapos bigla ba namang kumidlat [yung cloud] sa ilalim. Tapos pag kidlat naalala ko lang parang namuti [ang paningin ko] talaga, tapos nakatulog ako sa sobrang lakas ng tunog, parang naging unconcious ako,” kuwento ni Ian na sinabing nagising na lang siya nang nakabukas na ang parachute at maglalanding na. 

“Sabi ng instructor pag landing namin, mas likely na tamaan ka pa, kasi grounded ka na kapag nakatapak ka sa lupa. So ’yun, nakakatakot lang,” pagpapatuloy niya. 

Ani ni Ian, noon pa man ay mahilig na talaga siya sa mga extreme adventures. 

“Mas mahilig ako [sa extreme adventures] noong wala pa akong mga anak. Right after high school, kumuha ako ng flying, private pilot license, tapos from there napunta sa sky diving, sa motor. Noon pa lang mahilig na ako, kaya pagdating ng mga kids ko, sila na rin naging mahilig na,” dagdag ng aktor. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mainit ang ulo sa sobrang lamig

A post shared by Ian Veneracion (@ianveneracion1) on

 

READ: Ian Veneracion on being part of the zombie movie ‘Block Z’: ‘It’s legit talaga’

READ:Bea Alonzo looks forward to new teleserye with Richard Gutierrez and Ian Veneracion 

Samantala, nagbabalik big screen muli si Ian Veneracion sa pelikulang Block Z na isa sa mga malalaking pelikula na handog ng Star Cinema ngayong taon. Kasama niya rito sina Joshua Garcia, Julia Barretto, at Dimples Romana. Wala pang tiyak na date kung kailan ito ilalabas sa ngayon.