Ryan Bang, dating niligawan si Yeng Constantino

Nalagay sa hot seat ang komedyanteng si Ryan Bang matapos na ibinunyag ng kanyang “mother” na si Vice Ganda na dati niyang niligawan si Yeng Constantino sa “It’s Showtime” nitong Sabado, Hulyo 6.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/7/2019 4:01 PM
Ryan Bang, dating niligawan si Yeng Constantino


Nalagay sa hot seat ang komedyanteng si Ryan Bang matapos na ibinunyag ni Vice Ganda na dati niyang niligawan si Yeng Constantino sa “It’s Showtime” nitong Sabado, Hulyo 6.

Ito ay matapos mabanggit ng isang contestant ng segment na “Tawag ng Tanghalan” na mayroon siyang sariling komposisyon na pinamagatang “Friendzoned”, na ani Vice ay akma sa dating sitwasyon ng South Korean actor at pop rock singer. 

“Ryan, listen! Si Yeng Constantino, pumapalakpak! Kung hindi niyo naaalala, si Yeng ay isa sa mga nag-friendzone kay Ryan Bang!” biro ng Unkabogable Star.

Naikwento naman ng gongbassador” at TnT judge na dati silang lumabas upang sabay na dumalo sa isang church service. 

Ibinunyag muli ni Vice na nangyari ito ilang buwan lamang bago maging official si Yeng at ang kanyang first-ever boyfriend at ngayo’y asawa na si Victor “Yan” Asuncion. Ikinasal sila noong Pebrero ng 2015.

Awkward man para sa dalawa ang naging panunukso ng “It’s Showtime” hosts, nag-bigay naman si Yeng ng sweet na mensahe para sa kanyang dating manliligaw. 

“Alam mo, hindi pa ‘yan ang huli. Pakiramdam ko, darating din ‘yung babae na sobrang ma-a-adore ka, at sobrang iri-respeto ka, at mamahalin ka rin, kaya cheer up!,” aniya.