• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard at Lucy Gomez, paano nga ba ginagabayan si Juliana Gomez?

Richard at Lucy Gomez, paano nga ba ginagabayan si Juliana Gomez?

Abala ngayon bilang Mayor at Congresswoman sina Richard at Lucy Gomez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/7/2019 2:24 PM
Richard at Lucy Gomez, paano nga ba ginagabayan si Juliana Gomez?


Sa kabila ng pagiging abala bilang mga public servant, sinisigurado ng showbiz couple na sina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez ang tamang gabay para sa kanilang only daughter na si Juliana Gomez.

 

 

Kuwento ni Lucy, isa sa mga naging kasunduan nila ni Juliana ang hindi pag-alis sa Pilipinas at pag-aaral nito sa University of the Philippines.

“Hindi talaga siya aalis,” pabirong sabi ni Lucy sa panayam ng PUSH at piling miyembro ng entertainment press sa naganap na 2019 Piña Festival sa Ormoc, Leyte.

“Bata pa siya, na program na siya na ‘Juliana, you don’t have to (leave)’. I have nothing against those parents who chose to send their kids (to abroad) otherwise, and I always tell her ‘you know our schools here is good enough plus you’re only one child, mama’s heart will break if you (Juliana) leave. Dito ka Lang,’” patuloy pa ni Lucy.

READ: Showbiz at love life, hindi priority ngayon ni Juliana Gomez

Dito, ikinuwento din ni Richard at Lucy ang naging pag-papa-alam ni Andres Muhlach para maging date nito ang kanilang only daughter.

“Nagka-kontakan muna kami ni Aga [Muhlach] sa phone, nag-text then tumawag, then sabi ko sa kanya ‘sabihin mo kay Andres tawagan na lang nya si Juliana,’” kuwento ni Goma.

Paglalarawan naman ni Lucy na tila isang eksena sa pelikula ang naging pagsundo ni Andres kay Juliana.

“Parang pelikula nakatalikod siya sabi ko, ‘Hi Andres.’ Pagharap nya sa akin naka James Bond kasi naka sharp suit may dala siyang (suit) sabi ko ‘Ang gwapo mo naman, Andres! (Laughs)’” masayang sabi pa ni Lucy.

At gaya ng maraming magulang, tanging hangad lang ni Richard at Lucy na masunod ni Juliana ang kanyang mga pangarap sa buhay.

“Basta my prayer always for Juliana is for her to be the person that God has designed her to be whatever that is, kung ano ang pipiliin niya, kung yun ang ukol para sa kanya and what’s God has planned for her,” pahayag ni Lucy.