• Home
  • Fresh Scoops
  • K Brosas sa anak niyang si Crystal: ‘Mas talented sa akin yung batang ‘yon’

K Brosas sa anak niyang si Crystal: ‘Mas talented sa akin yung batang ‘yon’

Proud na proud ang Tawag Ng Tanghalan judge na si K Brosas sa kaniyang unica ija sa pagsisimula ng music career nito at pagtatapos sa kolehiyo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/7/2019 11:14 AM
K Brosas sa anak niyang si Crystal: ‘Mas talented sa akin yung batang ‘yon’


Photo credit: @ crystalbrosas and @kbrosas IG

Proud mom ang komedyante at singer na si K Brosas sa mga achievements ngayon ng kaniyang anak na si Crystal Brosas. Sa interview ng PUSH sa Tawag Ng Tanghalan judge, ikinuwento nito kung bakit hangang-hanga siya sa anak. 

"Sobrang proud dahil mas talented sa akin yung batang yon e. Kasi hindi lang siya singer, she's a singer-songwriter. Hindi lang siya dancer, she's a dancer-choreographer. 

"Yun naman dapat ang ina-achieve nating mga magulang para sa ating mga anak. Hindi yung kumanta lang, o sumayaw lang, dapat dream big ka na," kuwento ni K. 

Bukod sa pagsusulat at pagpeperform ng sariling kanta, dumaan din sa mga dance workshops ng G-Force si Crystal kaya na-practice nito ang talento sa pagsasayaw. 

Nakakagaan ng pakiramdam para kay K ang magandang pag-uumpisa ni Crystal sa industriya, kasabay ang kamakailang pag-graduate din nito sa college, at maging ang pagtatapos ng pinapagawang bahay. 

"I'm so proud and yung feeling na [maginhawa], kasi tapos na yung bahay, naka-graduate na yung anak ko ng college. Pero pinupush ko rin siya kung gusto niyang mag-masters, gusto niya mag PhD, gusto mo mag vulcanizing?" biro ni K.

READ: K Brosas, excited na sa paglipat sa kanyang bagong bahay

READ: K Brosas todo ‘labada’ para matapos ang pinapagawang bahay

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

HAPPY MOTHER’S DAY to my byutipul madir! ❤️ I always tell everyone that I am lucky to have a parent like you. You’ve been fulfilling both duties of a mother and a father ever since I was born and that—to me—makes me complete. You are a family to me and I never considered it as a bad thing. 😍 I do not open up about coming from a broken family that much, but I remembered when I recited for my class about it, and I stated: “I may be from a broken family, but I am not broken.” Simple, direct, but meaningful. This is what I always wanted to let you know. That despite the fact of you being a single mother, I am happy and grateful to be your daughter. Whatever happens, I wouldn’t trade you for anything else. Because I am proud to say that my mother and father is ONLY ONE PERSON... and that is you. Thank you for being the best mom that you are. I love you so much, always. 😘 To all mothers out there, I hope you are having a great day! God bless and may we continue to appreciate our mothers not just on Mother’s Day, but every day. ❤️

A post shared by Crystal Brosas (@crystalbrosas) on

 

Samantala, sa parehong interview din ay nilinaw ni K na wala siyang dine-date sa ngayon, kahit na suportado naman ang anak sa kaniya na makahanap ng bagong love life. Paliwanag ni K, hindi raw ito isa sa mga kaniyang priorities ngayon.

"Ibibigay ni Lord sa tamang panahon. I'm turning 43. Naniniwala kasi ako na kung ano yung pina-prioritize natin, yung ang ibibigay ni Lord. Priority namin, career, bahay, investments, yun ang inuuna kasi yun ang pokus mo e. 

"Siguro, sana by next year baka mapagdasal ko siya," sabi ni K. 

Panoorin ang buong interview dito:

READ: K Brosas at Angeline Quinto, nagpapapayat daw para sa kanilang concert?

Naghahanda si K para sa kaniyang kauna-unahang major concert sa Araneta Coliseum, kasama ang kaibigang si Angeline Quinto. Pinamagatang Angeline K To Concert Namin To!, ididirek ito ni John Prats at magaganap sa July 12.